Kabanata 6

1.3K 62 22
                                    

Kabanata 6

Nakatulala lang ako sa harap ng salaman at hindi alam kung paano haharapin si Eli mamaya.

Nakita na niya. Nakita na niya lahat-lahat sa akin! Anong gagawin ko? Hindi pwedeng wala akong gawin!

Kasalanan naman niya kung bakit niya nakita eh! Kung hindi lang sana niya ako inasar ng ganon at nilapitan hindi ako madudulas at hindi niya makikita ang napakasexy kong katawan!

Hindi pwedeng ganon lang, nakita na niya lahat sa akin tapos ako hindi ko pa nakita? Ay! Nakita ko na pala yung six pack abs niya. Kaso nung kami pa. Kaya lang five years na ang nakalipas. Baka ngayon eight pack abs na yon!

Umiling ako dahil sa mga pagpapantasyang naiisip ko sa abs ni Eli. Wala pang isang linggo akong nakikitira dito marami na agad nangyari.

Anong magagawa ko? Kasalanan naman yun lahat nung Eli na yon! Bahala siya sa buhay niya.

Naglakad ako papunta sa pinto para lumabas. Wala na akong pakielam kung nandiyan na yung mga bisita ni Eli. Katulad nga ng sinabi ko, bahala siya sa buhay niya.

Huminga muna ako ng malalim at inipon lahat ng lakas at tapang na harapin yung Eli na yon!

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko bago sumilip kung nandito ba si Eli o wala. Pinakinggan ko rin kung may maingay nasa baba.

Nang masigurado ko na wala siya at wala ring maingay sa baba, lumabas na ako ng kwarto ko. Siguro nasa kwarto si Eli at pinagpapantasyahan niya sa isip niya ang napakasexy kong katawan.

Kahit naman hindi na niya isipin eh. Kung balikan niya lang ulit ako, ipapakita ko sa kanya ito araw-araw!

Bumaba na ako para pumunta sa kusina. Magluluto na ako ng hapunan. Nagugutom na kasi ako. Kanina pa kasing tanghali yung huli kong kain, yun yung sinabi niya yung mga rules niya.

Maglalakad na sana ako papasok sa kusina nila ng may marinig akong nagtatawanan sa may labas kung nasaan yung swimming pool.

Dahil sa nacurious ako, lumapit ako sa may pool area ni Eli. May sliding door at may kurtina sa gilid at may vase na mataas. Kaya kahit lumapit ako doon para tignan sila hindi nila ako makikita.

Nagtago agad ako sa gilid ng mataas na vase ng makarating ako. Sinilip ko kung sino yung mga nagtatawanan.

May apat na lalaking nakaupo at nagtatawanan habang umiinom ng beer. Pamilyar sa akin ang dalawa. Si Paulo at Kerby. Yung iba hindi, siguro ay sa trabaho niya nakilala ito.

Lahat sila ay walang suot na pangitaas na damit. Siguro kagagaling lang nilang magswimming.

Agad na hinagilap ng mata ko si Eli na ngayon ay nagbubukas ng beer. Kagaya ng mga lalaking kasama niya wala rin itong pangitaas na damit. Nakatalikod siya mula sa kinaroroonan ko. Kaya likod niya lang ang nakikita ko.

He has a perfect broad sholders kahit nakatalikod siya sa akin. Nakikita ko yung bawat galaw ng buto niya sa likod kapag gagalaw siya. Pati narin yung triceps niya kapag umiinom siya nang kung ano man iyon.

Likod palang ang sarap na! Paano pa kaya kapag nakita ko na yung abs niyan? Edi mas masarap!

Nagulat ako ng humarap na siya at umupo sa tabi ng barkada niya. Kaya ngayon kita ko na ang abs niya. Hindi naman totally na kita kasi gabi na kaya medyo madilim at malayo ako sa kanya.

Niliitan ko ang mata ko at itinaas ang hintuturo ko para bilangin yung abs ni Eli. Ngayon na lang ulit ako makakakita ng abs kaya dapat lubos lubosin ko na.

Three....

Four....

Five....

Six....

Six! Meron siyang Six pack abs!Ohmy! Ang sarap niyan sa umaga kung yan lagi ang bubungad sa akin pagkagising ko. Tapos kape na lang kulang. Kahit walang nagbago sa abs ni Eli na six packs parin mas lalo namang nadepina ang pangangatawan niya.

Napatigil ako sa pagiisip ng kung ano-ano tungkol sa abs ni Eli ng may umahon mula sa pool. Kumunot ang noo ko ng mapansin mga babae ito at tanging two piece swimsuit lang ang suot nila.

Tatlo silang mga babae na sabay sabay na umahon. Lumapit sila kung nasaan ang twalya para magpunas.

Napukaw ng attensiyon ko ang isang babaeng pamilyar sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya huling nakita pero pamilyar talaga siya saakin.

Naka suot ito ng kulay pulang string na swimsuit. Kulang nalang ipakita na niya lahat! Kahit naman nakaswimsuit siya kung ganyan lang din namang klase wag na lang!

Mas lalong kumunot ang noo ko ng mapansing naglalakad itong babaeng ito papunta kay Eli.

Kung kanina ay nagulat ako sa pagharap ni Eli ngayon ay mas lalo akong nagulat dahil sa biglaan nitong pagupo sa mga hita ni Eli.

Napansin ko din ang pagkagulat sa mukha ni Eli habang ang mga barkada niya ay masayang kinakantiyawan sila.

Ipinulupot nung babae ang braso niya sa batok ni Eli pagkatapos ay sumandal ito sa dibdib niya.

Hinihiling ko na lang sa mga oras na to na sana wag ipulupot ni Eli ang braso niya sa bewang nung babae kaso hindi ata ako pinagbigyan sa hiling ko.

Pinagsakluban ako ng langit at lupa ng makita kong ipulupot ni Eli ang braso niya sa bewang ng babae habang nakangiting inaasar ng mga lalaki. Habang yung babae ay todo tago ng mukha sa dibdib ni Eli.

Sino ba kasi itong babaeng ito? At kung makakapit siya kay Eli akala mo may relasyon silang dalawa.

Dahil sa sobrang kacuriosan ko di ko namalayang naitulak ko yung malaking vase. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa ko. Hindi agad nagprocess sa utak ko kung ano ba ang dapat na gawin ko. Kaya nabasag iyon at gumawa ng malakas na ingay.

Nakatulala lang ako sa nabasag ko ng may biglang nagsalita. "WHAT THE HECK DID YOU DO THIS TIME?!!" Napaangat ang tingin ko sa lalaking galit na galit sa akin dahil sa ginawa ko.

"So-sorry. Di ko n-na-man sinasadya." Yumuko ulit ako pagkasabi ko non.

"Hindi sinasadya!? O talagang pakielamera ka lang?!" Halata talaga sa tono nito na galit siya sa akin.

"Hindi ko talaga sinasadya. May nakita lang kasi akong lumilipad tapos dumapo siya sa vase kaya papatayin ko sana kaso napalakas ata ang palo ko kaya nabagsak at nabasag yung vase." Palusot ko sa kanya.

"Sa tingin mo maniniwala ako sa mga paliwanag mo? Wala ka pang isang linggo dito nakabasag ka na agad?! Paano pa sa mga susunod na araw? Lahat na lang ng mga gamit ko mababasag mo na?!" Halos magdikit na ang kilay niya sa sobrang galit sa akin.

"Sorry. Sorry. Papalitan ko na lang yan." Sabi ko sa kanya.

"Sige palitan mo. Pero saan ka kukuha ng ipangpapalit diyan? Wala ka ngang pera diba kaya ka dito nakikita sa akin?!" Tama siya, saan naman ako kukuha ng perang pambili ng mamahaling vase.

"Lilinisin ko na lang." Hindi makatinging sabi ko sa kanya. Mabilis akong lumuhod para kunin yung pira-pirasong basag na vase.

"Stop!" He command. Pero hindi ko parin tinigil.

"I said stop doing that!" Inabot niya ang kamay ko at hinatak patayo kaya nabitawan ko yung mga napulot kong basag na vase.

"I'm sorry." I said. Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Babe anong nangyayari diyan? Anong yung malakas na nabasag?" Napalingon ako sa babaeng naglalakad papasok sa loob. Pati narin yung mga lalaking kasama niya.

Halatang nagulat si Paulo at Kerby ng makita nila ako. Pero ako ang mas nagulat ng makilala ko ng mas mabuti ang babaeng kanina lang ay nakapulupot na parang ahas kay Eli.

Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Bakit siya nandito? Anong karapatan niyang pumunta dito?

06-21-20

[UNEDITED!]

Living At My Ex House [COMPLETED]Where stories live. Discover now