Kabanata 2

1.5K 63 0
                                    

Kabanata 2

"Payag ako sa mga conditions mo, basta payagan mo lang akong tumira diyan." Tinuro ko pa talaga yung loob ng condo niya.

"Siguraduhin mo lang. Dahil sa oras na marinig mo na ang mga kondisyones ko, hindi ka na magbabackout." Sabi niya.

"Oo nga!" Sabi ko.

"Good. Antayin mo ako diyan sa labas." Sabi niya. Isasarado niya sana yung pintuan ng harangin ko ulit ito.

"Bakit mo isasara? Papasukin mo na ako sa loob niyang condo mo para mapagusapan narin natin yung mga rules mo!" Sabi ko. Papasok na sana ako sa loob kaso hinarang niya ang katawan niya dito. Napatingin tuloy ulit ako sa abs niya.

"No, Sa labas tayo maguusap." Sabi niya bago tuluyang isara ang pintuan.

Bakit sa labas pa kasi? Pwede namang sa loob na lang magusap eh! Tsaka ang dami kong dala. Hindi ko pwedeng bitbitin na lang ito.

Bumukas ang pinto at lumabas si Eli na naka black polo shirt and black pants.

"Lets go." Sabi niya. Maglalakad na sana siya kaso pinigilan ko.

"Eli! Sandali! Hindi mo ba nakikita? Marami akong dala! Ang hirap kayang buhatin ng lahat ng mga ito." Reklamo ko dito.

Pero imbis na tulungan ako o di kaya ay ipasok na lang sa condo niya ay tinalikuran lang ako nito.

"Tsk. Follow me!" Sabi niya pagkatalikod niya.

"Hoy! Ano ba Eli! Dadalhin ko lahat ng ito hanggang sa labas? Ang bigat nito! Pwede paiwan na lang munaaaa!" Medyo nilakasan ko na yung boses ko dahil baka hindi niya marinig yung sinabi ko.

"Wag mong sayangin ang oras ko Sophia Alexis! Kung gusto mo talagang tumira sa bahay ko ay susundin mo lahat ng ipapautos ko. Yoon ang isa sa mga rules ko." Sabi niya pagkarating namin sa tapat ng elevator.

"Hindi pa naman natin pinaguusapan yung rules mo eh! Kaya paiwan muna nito sa condo mo! Please!" Sabi ko dito at nagpapaawa effect pa ako.

Dalawang malaking bag kasi ang dala ko. Lahat iyon ay mga damit at mga pansariling pangangailangan. Tas meron pa ako isang katamtamang bag na naglalaman ng mga importante bagay katulad ng pera.

"Tigilan mo ako. Ikaw ang pupunta punta sa condo ko para sabihing makikitira ka. Tas ngayon magrereklamo ka." Sabi niya.

Bumukas ang pintuan ng elevator at nauna na siyang pumasok.

"Anong ginagawa mo diyan? Pumasok ka na at mapagusapan na natin yang binabalak mo!" Walang emosyong sabi niya sa akin.

"Eli si-"

"Ano? Papasok ka ba? Marami pa akong gagawin Sophia Alexis. Wag mong sayangin ang oras ko." Sabi niya. At sumulyap pa siya sa relo niya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Kahit mabigat ang mga dala kong gamit ay binuhat ko lahat iyon at pumasok sa loob ng  elevator. Baka mamaya kasi magalit lang siya lalo sa akin at magbago pa isip niya at hindi na ako patirahin sa condo niya.

Pinindot niya ang ground floor button. Habang nagaanay kami pababa, ay di ko siya magawang kausapin. Dahil unang una ay masama pa ang loob ko sa kanya ng di niya ako payagang iwan ang mga gamit ko sa loob ng condo niya.

Bakit ba ayaw niyang ipaiwan ang gamit ko? Meron ba siyang tinatago sa loob ng condo niya?

Sumulyap ako sa repleksyon ni eli sa elevator. Nakita ko siyang nakatingin din sa repleksyon ko.

Nang nakita akong nakatingin sa kanya ay umiwas siya ng tingin. Kinuha niya ang cellphone at inabala ang sarili.

Nang tumunog ang elevator ay hudyat na nasa tamang floor na kami.

Living At My Ex House [COMPLETED]Where stories live. Discover now