My Boyfriend is a Badboy!

1.5K 20 2
                                    

"blair!"

"yezz?"

"ano... libre mo naman ako!"

" grabe ha! ikaw tong lalaki dapat nga ako binibilan mo eh!"

Oo kuripot tong boyfriend ko! Imbis na ako ang ilibre ako pa ang nang lilibre! Pero sanay na ko dyan halos 9 months na kami eh! Kung idedescribe ko sya???

wag na! nako! Baka pati ikaw tutulan ang pag-iibigan namin!

ano bang masama? nagmahal lang naman ako ah! bakit may mga taong ayaw? mga pakelamera lovelife ko to no! hindi sa kanila! may sarili silang lovelife bakit hindi yun yung atupagin nila?

nagtataka kayo kung bakit umabot kami ng 9 months?

Hahahaha! xD

Ako rin eh! ewan ko ba! basta masaya ako kapag kasama ko yang lalaking yan kahit na Badboy yan!

ako nga pala si Justine Blair Agustin. 18 yrs old. 3rd year college. tourism student.

Alam mo maraming tutol samin ni Chuck. Ewan ko ba! Nanay ko, Tatay ko, Kuya ko at mga Kaibigan ko! Pero hindi ko nalang sila iniintindi mahal ko eh! syempre dapat ipaglaban!

"babe! oh eto na mogu-mogu mo!" sabi ko.

" yieee! salamat!" sabay yakap.

eto lang maganda sa badboy eh! ang sweet haha! ang gwapo pa! xD

"uy babe hatid na kita senyo!"

"naku wag na! nandoon sila mama at kuya baka mapano ka pa!"

"yie! concern talaga oh! kaya mahal ko to eh! Pero babe (seryosong mukha) kahit na anong mang yari lalaban tayo ah! kahit sino pa ang tumutol sa atin lalaban tayo!"

" OO naman! tsk. eto talaga napakaseryoso mo!"

My Boyfriend is a Badboy!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang