Goodbye

23 1 0
                                    

Una
Lahat masaya
Lahat tama
Lahat okay
Walang alinlangan
Walang bola
Walang mali

Bawat ngiti
Bawat titig
Sa tuwing sya'y kasama
Mga haplos at halik
Dinadala ka sa langit

Tulala
Hindi makapaniwala
Sa isang iglap
Nawala kasabay ng pagkurap
Ikaw ay iniwan sa ere
Siya ay sumama sa ibang bebe

Saan nagkamali?
Anong nagawa bat di ka pinili?
Binigay ang lahat
Dahil akala mo'y sapat
Pinakita ang totoo
Pagkatao nya pala ay g*go

Tulala
Hindi naniniwala
Balewala ang pagsisisi
Sa mga pangakong binali
Bakit sya pa ang ginusto?
Nang puso mong nagpakatotoo

Dati ay ngiti
Ngayon ay pagkasawi
Dati ay nasa langit
Ngayon ay bangin na nasa bingit
Iniyakan
Pero iniwan
Nagmakaawa
Pero nawala kagaya ng bula
Ngayon ikaw ay basag at walang wala
Sa itaas kumapit at pinagpala

Lumalaban
Bumabangon
Hindi na sasayangin ang panahon
Unti unting binubuo
Ang pusong dinurog at binigo
Hindi na babalikan
Mga masasayang nakaraan
Abutin man ng pang matagalan
Iyong ibaon at kalimutan

Sarili ang pagtuunan
Sarili muna ang pahalagahan
Taong umalis, namaalam at lumisan
Diyos dito ay may magandang dahilan :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Para sa mga niloko..Where stories live. Discover now