Chapter 7

43 3 0
                                    

Chapter 7

Lumipas ang sampung minutong lumilipad ang utak ko. Nilalaro ko nalang ang hawak kong pen sa kamay. Hindi ko na din masyadong napansin that my uncle kept on staring at me kaya bigla akong nagsalita.

“It was so apparent na may gusto kayong sabihin. Fire away.” I persuaded him.

He cleared his throat first. “Being in a relationship is one thing. But being married to someone is a whole different thing.”

“I know what I’m doing tito.” Nga ba? I just hope so.

I gave out a smile. The air around us suddenly became so heavy.

“Okay. First of all your assets. You’re one successful woman Gab. Ang property mo at ng lalaking to ay magiging conjugal unless you both decided na magpirmahan ng prenuptial agreement.” I stared at him. Ngayon lang pumapasok sa utak ko ang pros and cons ng desisyon ko. He continued. “But if you believe that your marriage with this guy is for keeps no need to do it.”

I was trying to weigh everything pero hindi parin ako makapagdesisyon ng maayos dahil ayaw naman niyang sagutin ang tawag ko. Sira ulo talagang kumag na iyon. Akala niya siguro naghahabol parin ako sa kaniya.

Well. Technically, yes. But at least iba na ang rason ngayon. Akala naman niya. Hmmmp.

“Well, ngayon lang po pumasok sa isip ko yang issue sa assets. But I like the idea of a prenuptial agreement. Pwede niyo po ba kong tulungan doon?”

Isang nagdududang tingin nanaman ang ibinigay ni tito sa akin. Nagpapawis na lahat ng bahagi ng katawan ko dahil pakiramdam ko itatanong na niya kung anong pangalan ng hampas lupang lalaking iyon…

Tumayo nalang ako at pumunta sa book shelf na nagkunyaring interesado sa librong nakikita ko. Jusko. Pang engineering ang libro. Bigla akong nakaramdam ng hilo.

 “Of course iha. Kaya kong tapusin hanggang bukas. After lunch I can give it to you. Gusto ko lang itanong, ibig sabihin ba niyan makikipaghiwalay ka din in time? Ang sabi mo you have to stay married for at least eight months.”

Agad namang napabalik ang tingin ko sa kaniya sa tanong niya. Ang hirap sagutin. Pero ang sarap isipin na kung sakaling pumayag si Simon sa alok ko hindi na niya gugustuhing maghiwalay kami. Asa pa ko…

Nagpalit na ng president sa Pilipinas, nagtaas na ng pamasahe sa jeep, bus at taxi, 8th division world boxing champion na si Manny Paquiao, may ginto na sa Olympics ang bansa, iyong dating matinee idol umamin ng bading. Pero ang nararamdamang disgusto sakin ni Simon ang hindi nagbago. Kitang-kita ang ebidensiya sa huli naming pagkikita. Bigla namang may inabot sakin si tito na lumang notebook pero mas malaki ng konti sa ordinaryong notebook.

Nakakunot noong tinitigan ko iyon at pagkatapos tumingin sa kaniya.

“What’s this?” I asked.

“Why don’t you open it?” Sabi niya sakin. Binuklat ko iyon. At napangiti ako sa nakita ko. Picture ni Tita Angie at ni tito Vince when they were in college. Nakaluhod si tito habang may hawak ng bouquet of flowers na inaabot niya kay tita. Sa litrato parang naiinis pa ng konti si tita, siguro kasi maraming tao sa paligid. Typical na manliligaw dati, hindi nahihiya at walang pakialam sa iba.

Minsang naikwento sakin ni tita kung bakit niya sinagot si tito. At doon ko nalaman na noon palang uso narin pala iyong ‘Operation panggap jowa’.

“Hanggang ngayon hindi parin po ako makapaniwala na nagkatuluyan kayo ni tita.” Iniangat ko ang tingin ko.

Binigyan niya ko ng ngiti. “Because I really do love her.”

Ipinagpatuloy ko ang pag-scan sa mga pictures nila. Scrapbook pala to. Nakakatuwa silang tignan at hindi ko maiwasang mainggit. They were like college sweethearts. Wala naman akong memories na kagaya ng sa kanila. Well, I had a boyfriend nung huling semester ko sa college, I thought he was the one. True love. Great love, etc. I even thought that he was better than Simon. Pero sa pangalawang pagkakataon mali ako. I hated his kind. Their kind.

DEAL AND MARRY HER?Where stories live. Discover now