ILYMAC//12

1.2K 41 2
                                    

Chapter 12

JESSICA’S POV

            “Aaah~”

Napahikab ako at napaunat habang inaayos ang make-up at wig ko.

            “Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?” Tanong ni Manager na kasama ko ngayon sa loob ng dressing room. Alas-tres kasi ako ng umaga gumising dahil ang layo ng station na ‘to samin tapos kinailangan ko pang ayusin ang gamit ko kanina.

            “Napagod lang po ako.” Sabi ko. Medyo late na kasi ako nakatulog kagabi kakaisip dun sa nangyari kahapon. Ni-hindi pa nga nagsi-sink in sa utak ko eh.

            May isang guesting na naman kasi kaming aattend-an ngayon ni Daryll kaya kami nandito at after naman nito ay diretso agad kami sa location namin para sa taping. O’ diba, haggard lang?

            “Nga pala Jessica, may signing event pa muna kayong dalawa mamaya ni Daryll bago tayo umalis.” Sabi ni Manager. Tumango nalang ako at inayos muli ang sarili ko.

            Pagkalipas ng thirty minutes ay pinatawag na ko para pumunta sa backstage. “Hi,” Bati ko kay Daryll. Nginitian niya ko at binati din. Hindi kasi kami sabay umalis kahit na magkalapit lang kami, nauna na kasi siyang umalis at late na ko natapos mag-ayos. Pero dapat magkasabay talaga kami kaso hindi din naman ako sanay na may naghihintay sakin at nakakahiya rin, diba?

            “Aishiteru,” Tawag samin nung isang lalaki. “Kayo na susunod.”

            Pinaakyat na kami sa backstage at hinintay na tawagin kami.

            “And let’s all welcome, one of the famous Cosplay Couples, the Aishiteru Couple!” Hinawakan naman ni Daryll ang kamay ko pagkapasok namin sa stage saka namin narinig ang hiyawan ng mga tao. Sinubukan kong kumalma habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

            “Hello po.” Bati ko sa audience at sa camera. Isa kasi itong live show at currently pinapalabas ngayon sa TV. Binati naman kami ng host at sinimulan na kaming i-interview.

            “Kamusta naman ang feeling after mapanood ang first episode niyo na Cosplay Couple Channel? Hindi ba kayo pressured kasi first time niyong ni-reveal nationwide ang totoong pangalan at katauhan niyo on TV?” Tanong samin ni Miss Kysa(host).

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon