Chapter 3 ~Friends and BFF~

155 5 0
                                    

Dahil Birthday ko ngayon, piniga ko ng bonggang bongga ang utak ko, haha ^o^V

=============

Chapter 3

“Haay, grabeeee 2 hours palang ang nakakalipas andami ng nangyari,hahaha! kakatawa talaga kanina,biruin mo, si TJ sinuntok mo.?? Hahahahaha XD)))” –Laureen

Nasa hallway kami ngayon, recess na kasi kaya labasan na sa room ang karamihan ng mga students.

“oonga eh, anong magagawa ko asar kasi naman talaga siya eh.! Kapal ng mukha, bwisit, grr”

~~~~~~~~~

FLASHBACK

Tahimik lahat ng tao sa room.. Malamang lahat nabigla sa pangyayari suntukin daw ba ang classmate sa harap ng mga classmates diba? Shet lang, ka asar!! Di ko napigilan ang sarili ko!!!

Bigla bigla nalang kami nagulat ng bilang tumawa si Timothy, oo, Timothy na tawag ko sakanya, ayoko ng TJ, ang gara kasi, John Timothy siya diba dapat JT? Kaso ang sagwa nga pakinggan kaya siguro TJ nalang natawag sa kanya.

“siraulo ka ba? Bakit ka tumatawa bigla?” sabi ko, ang weird naman kasi nitong unggoy na to, tawa ng tawa, halos mamatay na kakatawa, at take note, nung sinuntok ko siya napaupo siya sahig, hanggang ngayon nakaupo padin siya sa sahig, teka di kaya na alog ko na utak neto?? =.=

“PFFT! HAHAHAHAHAHA!” tawa pa din ng tawa, kakainis gusto ata ng round two eh.

“Oy TJ, baka mautot ka na kakatawa dyan ha, “ sabi nung Marco.

“Laureen, may saltik na ata tong ogag na to eh,” bulong ko kay Laureen.

“H-hoy, hahaha, narining hahaha ko hahaha un hahaha!” 

“Ano ba kasing problema mo at tawa ka ng tawa? Nakakairita ka na ah!” –ako

“Eh ikaw naman po kasi nakakatawa! May lahi ka bang gangster? Yakuza? Yankee? Grabehan lang, kala ko natanggal ung panga ko dun ah! Grabe ka pala mapikon, pwede makapatay! hahaha!”

“O eh anong nakakatawa dun? Masokista ka ba? Gusto mo tadyakan pa kita para Masaya?” problema nito, nasaktan na nga tumatawa pa.” sabi ko.

“hahaha, first time ko nasuntok ng babae, I didn’t expect it though, youre hella one of a kind!”

“Ah, ganon? Parang exotic animal lang, one of a kind?” malamang, one of a kind talaga ako, sa ganda ko ba naming to saan ka di ka makakakita ng gantong mukha sa kanto ano, tss nahawa na ata ako sa kayabangan nitong mutant na to.

“Haha, oo, parang ganun, para kang.. uhm, tarsier? Bilog na bilog kasi mata mo eh! Haha! kaso sana lang hindi sa mukha mo ko sinuntok, sayang naman, ang gwapo gwapo ko pa naman.”

“wowah! TARSIER? NAHIYA NAMAN AKO SAYO!! anong magagawa ko, gumana lang bigla ang reflexes ko,ahh, gusto mo ulitin natin sa katawan nalang?? at hay nako, kung alam ko lang, nag baon sana ko ng jacket, summer naman ngayon kung bakit NADAIG MO PA SI  HABAGAT SA TINDI NG HANGIN MO!! HAMBOG KA HAMBOG!”

Pagkasabi ko nun nagtawanan ung mga classmates namin, siguro dahil sa sinabi ko, eh totoo naman eh, ang yabang niya, masyado siyang aware na gwapo siya at sanay siya lagi na flinaflatter kaya ganyan siya, ka imbyerna lang, ang sakit niya sa bangs!

Bago pa mauwi sa world war 4 ang bangayan namin, biglang nagbell na para sa recess time.

END OF FLASHBACK

I'm Sorry, I Love You..Where stories live. Discover now