Amour Oublié [TO BE REVISED.]

10 0 0
                                    

"Payapa't maaliwalas",
sambit ng dalaga sa unang bigkas.
Ang mga mata'y nakatuon,
sa kung saan man naruroon.

Hindi umaalintana ang hangin -
na humahaplos sakaniyang pisngi't sa buhok ay
nagpapaalon.
Nanatili pading nakaupo't 'di mapislig,
sa malalim na pag-iisip ay 'di pa makaahon.


Lumipas ang ilang segundo't,
tila natigil ang pag-ugoy ng mundo -
Prinsesa'y humarap sa kaliwa't pagsilip
sakaniya'y natanto,
Isang makisig na lalaking sa berde'y gumuwapo
-
sakaniyang mata'y tila pamilyar ito na bago.

Inis, dahil 'di madama ang katahimikan ng lugar
-
tumayo si Annalisa, lumapit na bulgar.
"Anong ginagawa mo?" 'di naitago sa tono ang
singhal,
"Nag-guguhit," sagot nito, boses ay pagal.

Hinila ang kuwadernong sinusulatan,
sinipat ang larawan sa isang pasadahan.
Maagap na hinila ito pabalik ng lalaki,
sinara't tumayo sa pagkakaprente.

"Anong kailangan mo, Kamahalan?"
kay Annalisa'y gulat ang rumihestro sa
pagkakakilanlan.
'Papaanong nakilala ako sa likod ng paboritong
balabal?'
"Sino ka?" tanong niya na nagpabalot sakanila ng katahimikan.

"Lukas ng malayong baryo, isa sa mga humahanga saiyo,"
nakangiting pagpapakilala nito.
Irap ang isinagot ng prinsesa,
asal ay 'di umalintana sakaniya.

"Iyo bang 'di nalalaman?
Pagguhit sa isang tao'y pinagbabawal
lalo't walang pahintulot ng tao sa larawan -
lalo't wala akong alam,"
talim ng salita'y 'di tinanggal.
"Patawad, Kamahalan."
tumungo it kapagkuwan,
ang dalaga'y umismid sa kanan -
humakbang para binata'y iwanan.

Sa paghakbang, dinig ang kaluskos
Prinesa'y lilingon na parang musmos,
at sa muling paglakad, muling huhunos -
pilit iwinaksi't piniling isip ay ipuspos.

Prinsesa'y may nakasalubong -
batang kaniyang kahubog,
"O, batang nilikha, tila ba tayo'y magkamukha,"
bulong ng Prinsesa sa pagkamangha.

Sa mabilis na pag-ihip,
sa atensyo'y 'di nalingit -
ang batang nabanggit
tila'y nasa binggit!


"Saklolo! Saklolo! Tulong po! Tulungan niyo
ako.."
pigak na iyak ang siyang nadinig dito,
Prinsesa'y nataranta, karipas ang takbo -
bata'y nailigtas sa yangit ng pagkahulog sa
banging matarok
"Salamat po," wika nito, habang gumagapang patayo.

Dumating ang prinsepe't namutla,
sa nakita'y 'di makapaniwala.
Kaniyang hinila ang bata -
kabuoan ay sinipat ng matang nag-aalala.


"Papa!" tawag nito,
paghinga ng Prinsesa'y saglit na nahinto,
sa pagmamasid sa mag-ama -
nakaramdam ng kirot sa puso.

"Maraming salamat, Kamahalan.
Anak, tayo nang umuwi, ika'y magpaalam."
Tumango ang bata't ngumiti sa Prinsesa,
"Salamat po muli," ngiti nito't siyang iniwan.

Mula sa bulsa ng lalaki'y siyang nalaglag,
kwadernong gawa sa barke't maliit na bahag.
Hindi na nagawang ibalik ito ng Prinsesa -
sa pagkakuryoso'y katotohanan dito niya nakita.

"Anak," bigkas ng inang-reynang naluklok,
banayad ang haplos sa mahaba nitong buhok,
"Ina?" sagot ng dalaga't tumunghay sakaniya,
Himpis na nakita sa mata ang pagkalinga bago rito nagsalita.

"Ang katotohana'y malapit nang dumating,
ang mga mata'y mamumulat na sa mga lihim,
at iyong marapat itong yakapin.
Kapag nilihis na ang iyong pagkapiring.
Matuto kang magpatawad
at parusahan ng patas ang mga huwad
Huwag kang matakot na malaman ang lahat,
pagkat may aral pading ibibigay itong mga nakaambang lamat."

"Ngunit, Ina, ako'y nababahala,
naguguluhan - marapat pa ba akong magtiwala?
Sino ang mga manlilinlang?
Sila ba saki'y napamahal ng inam?

"Iyo ding matatanto -
ang tandaan mo lamang
ay huwag kang magpapadala sa galit
at kung isasaisip ang ano mang pagsuko
pagkat mas palalalimin nito ang sakit."

Nagising ang dalaga sa paa ng Puno ng Maharlika,
ang ilaw ay nagsining-ningan,
bituing nagkikislapan ang siyang mata.
Tunog ng hangi't huni ng ibo'y kasinta,
panaghoy nito ang nasalin sa lugar na mapayapa.

Amour OubliéWhere stories live. Discover now