Ang Hangin! (One-Shot)

43.1K 1.4K 344
                                    

Dahil ngayon na lang ulit ako nakapagsulat ng one-shot...Sana magustuhan niyo:))

---
 

"Hello babes!"

Umagang-umaga, nagmumura na naman ang mayabang na 'to. Kung anu-anong pinagsasabi. Nakakainis. Ang sarap bangasan sa mukha. Dapat naga-guidance na 'to, eh. Sa bawat araw na nilikha ng Diyos, madalang lang talaga na hindi niya ako mapansin. Well, wala naman sa akin ang problema dahil as much as I'm concerned, hindi naman ako kulang sa pansin. Ewan ko lang sa lalaking yabang na 'to, na kasalukuyang nakabuntot sa akin habang papunta ako sa canteen upang bumili ng pagkain.

"Babes naman! Walang bang Hello? Or I love you?"

"Pwede ba, Mr. Ag, tigilan mo ang pagbuntot sa akin! Tsaka kadiri 'yang mga sinasabi mo! Kilabutan ka nga!"

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Silver Xenon Torres. Ang pinakapapansin na taong nakilala ko. Kung tao man siya. Hindi ko nga alam kung bakit sa dami ng babaeng may crush sa kanya, sa akin pa siya nagpapapansin. Alam niyo 'yung salitang "pagkamuhi"? 'Yun ang nararamdaman ko sa papansin na 'to. Hindi ko na nga ine-entertain, pero hindi pa rin siya natitinag. Tinatarayan ko na nga't lahat-lahat, wa epek pa rin. Ang pursigido niya talaga sa pagpapapansin. Kung hindi lang ako mare-report sa guidance office, baka nasapak ko na 'to.

"Ayiee! Kinikilig naman ako sa endearment mo sa akin, babes!"

"Anong endearment naman ang sinasabi mo diyan?! Pwede ba? Layuan mo ako! Shoo~!"

"'Yung Mr. Ag. Ikaw talaga, babes! Parati mo na lang akong pinapakilig! Dahil diyan, iki-kiss ka ng gwapong si Ako!"

Lumapit siya sa akin at saka ako hinalikan sa pisngi. Nakangiti pa siya nang malapad habang ako naman, masamang-masama ang tingin sa kanya. Grabe! Ang intense ng eye contact namin! Sa sobrang intense, halos mabalatan na siya nang buhay. Inirapan ko siya at pinunasan 'yung pisngi kong hinalikan niya.

"Kadiri kang nilalang ka! Parang Mr. Ag lang, endearment agad? Pwede ba, Silver! Lumayas ka sa harapan ko!"

"Nasa likuran mo kaya ako. Tsaka ikaw nga 'tong harap nang harap sa akin. Ikaw babes, ah. Gusto mo na rin ako, ano? O baka naman, mahal mo na?"

Napairap lang ako sa paghagalpak niya. Grabe! Hindi ko alam kung saan nakukuha ng nilalang na 'to ang self-confidence niya. Kung hindi lang siya bipedal kung maglakad, iisipin ko na talagang isa siyang self-confidence na tinubuan ng mukha. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta na lang sa canteen. Inaantala ng self-confidence na 'to ang matiwasay kong pagbili ng snacks.

Pumila ako sa counter at um-order ng 4 na pirasong siomai at saka isang order ng pansit. Naupo ako sa malapit na table at nagsimula nang kumain. Hindi naman ganoon kaingay sa canteen namin. Masasabi mong may disiplina ang mga taong nandito dahil nagfo-fall in line sila kapag umu-order at saka wait for your turn ang kalakaran dito. Ninanamnam ko ang siomai at saka pansit nang biglang may umepal. Well, alam n'yo naman na siguro kung sino 'yun, diba?

"Hello ulit, babes! Bumili ako ng Moo Strawberry para sa'yo!"

Inilapag niya 'yung Moo na strawberry flavor sa harap ko. Inilapag na rin niya 'yung tray na kinalalagyan ng pagkain niya at nagsimulang kumain.

"Hoy, hoy! Bakit dito ka kumakain? Wala na bang vacant tables? Doon ka na nga sa mga friends mo! Ayokong makita ang pagmumukha mo kapag kumakain ako."

"Ayokong sumabay sa kanila, babes. Tsaka dapat unahin ang girlfriend bago ang friends."

"Ano?! Hoy Silver, tigilan mo nga ako! Hindi mo ako girlfriend! Nakakadiri ka talaga!"

"Hindi pa kita girlfriend. Sa ngayon. Alam mo babes, hindi ka ba masaya na ikaw 'tong gusto ko? Bakit ba ayaw mo sa akin? Dahil ba sa sobrang gwapo ko? O hindi mo ako gusto dahil...mahal mo na ako? Boom panes!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Hangin! (One-Shot)Where stories live. Discover now