PART THREE

104K 4.7K 994
                                    

***PART THREE***

Hinalikan nya ako. #__#

Si Gael ang first kiss ko. @__@

Isang linggo na simula nang mangyari yon pero ramdam ko parin ang labi nya. Parang kanina lang iyon nangyari. Napahawak ako sa labi ko.

Yung labi nya, malambot. Naramdaman ko din ang mainit nyang hininga. Yung amoy nya sa malapitan, amoy lalaki, mabango. At yung mga mata nya habang lumalayo sa akin.. nakakatunaw. >///< Pero isa syang delinquent! Hindi ito pwede!

@__@; Hinalikan nya ako. Hindi ako makapaniwala na nagawa nya 'yon!

"PA'ANO NANGYARI YOOOON?!!!" <(>0<)>!!!

"Ang alin Charlene?" tanong sa akin ni Nadine.

Napatakip ako sa bibig ko. Naisigaw ko pala. 

"Wala. Hwag mo akong pansinin Nadine," winagayway ko ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Alam mo parang balisa ka simula nang sports fest. May nangyari ba?" tanong nya.

"W-Wala." >.>

Nandito kami sa SSC office. Mabuti nalang dito ko naisigaw. Walang tao. Ang tagal ko nang iniiwasan si Gael. Araw-araw pakiramdam ko isa akong kriminal na nagtatago sa pulis. 

*BAM!*

Sabay kaming napatingin ni Nadine sa bumukas na pinto.

"MS PRESIDENT!!!!!" sigaw ni Albert.

"Ano?!"

"S-SI GAEL NAG-UUMPISA NA NAMAN!!!!!" sabi nya na hinahapo. Napaupo sya sa silya malapit sa kanya.

Dumating naman si Eunice na gulo ang buhok. Humahangos nang takbo. May pasta na nakadikit sa buhok nya. Spaghetti kaya yon o carbonara?

"Charlene! Nag-umpisa na naman sya sa cafeteria!" sumbong nya sa'kin. "Bilisan mo! Patigilin mo sya bago pa sya makita nila Principal!"

Err.. >.>

"Uhhmm.." tumingin ako sa mga papel na nasa harap ko "Busy ako eh. Albert bilang VP ko ikaw na ang bahala sa kanya." 

"A-ANO?" namumutlang tanong ni Albert.

"Charlene!" sigaw ni Nadine. "Alam mo naman na walang may gustong bumangga kay Gael. Ikaw lang ang makakapagpatigil sa kanya! Hindi 'yon kaya ni Albert!"

Nakatingin silang tatlo sakin. They were expecting me to do the right thing.

But He's a Delinquent!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon