SoulMates

192 4 0
                                    

Hi! Hello.

Yow. :D

Enjoy :*

(c)momojiji

-----

Sa lungsod ng Alabang may isang lalaki na nag nga-ngalang  Gelo, na isang Taxi Driver.

Siya ang bumubuhay sa nanay at kapatid niya.

Sa mga oras na ito namamasada si Gelo ng may masakay siyang isang babae na nagmamadali para maihatid ang mga damit na pinapakuha ng amo niyang si Maya,  isang designer at organizer sa project na binigay sa kanya.

“Hello Ma’am Maya” sabi ni Cherry, ang babaeng sumakay sa taxi.

“Che nasaan ka na ba? Nakakahiya na sa model at photographer dito.” Sagot ni Maya.

“Eh ma’am traffic po dito kahit kausapin niyo pa ang driver." Binigay niya ang cellphone kay Gelo. “Kuya pogi kausapin niyo nga ang ma’am ko, sabihin mo na sobrang traffic na dito." Medyo naiinis na din si Cherry.

“Ha? Bakit ako?”tanong ni Gelo.

“Eh kayo ho ang driver diba?" May pagka sarkastikong sabat ni Cherry.

“Sige na nga. Hello po maam? Pasensya na po talaga sobra po ang traffic dito.” Dahilan ni Gelo.

“Hindi ko kailangan ng apologize mo! Ang kailangan ko ang mga damit na yan kaya kung pwede lang ihatid mo na yan dito ngayon din!” Iritadong binaba ni Maya ang tawag at kinausap ang mga models.

“Pasensya na po kayo ha. On the way na daw po sila. Do you want something? Coffee?” Sabi ni Maya sa model na mukhang lumumok ng krayola sa sobrang pula ng mukha.

“Coffee? Ha? Coffee?! Ayoko na! Kanina pa ako naghi-hintay! Aalis na ako! Bahala kayo dito!" At tuluyan ng umalis ang modelo.

-----*

Nasa bahay si Maya at kumakain sa lamesa habang nagbabasa ng magazine. Nang biglang dumating ang katulong niya.

“Maya, alis na ako.” Pagpapa-alam ng kanyang katulong.

“Ay, wait lang. Tapusin ko lang itong kinakain ko. Tapos hahatid kita sa terminal.”

“Wag na, nakakahiya naman.” Sabi ng katulong

“Naku manang, maliit na bagay. Tumawag pa si daddy ng overseas para lang ibilin ka. Kung hindi kita ihahatid, masesermonan pa ako nun.” Pagpupumilit ni Maya.

“Eh paano ang mga shooting-shooting mo? Baka ma-late ka doon.”

"Nag pull-out na ako sa project.”

“Oh, hugasan ko na muna yan.” Sabi ni manang nung matapos kumain ni Maya.

“Hindi na manang. Ako na maghuhugas nito pagbalik ko.” Malambing na paglalahad ni Maya.

“Hmm.. Baka naman pagbalik ko dito sa isang linggo, nandyan pa yan." Nakangiting sabat ni manang.

“Well, let’s see manang. Hahaha. Tara na nga. Let's go!"

Gabi na nang bumiyahe si Maya pauwi. Habang nag da-drive siya ng kanyang kotse, tumunog ang cellphone niya.

Bumibiyahe si Gelo pauwi ng maramdaman niyang pumutok ang isang gulong ng taxi niya.

“Ay sus! Kapag minamalas ka nga naman.” Reklamo ni Gelo.

Binabasa ni Maya ang text ng kaibigan niya ng hindi niya napansin na may masasagasaan siyang aso.

Tinabig niya pakaliwa ang manibela at sa hindi inaasahan pangyayari, may nabangga siyang lalaki at sumalpok pa ang kotse niya sa puno. Parehas silang duguan at walang malay.

SoulMatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon