Chapter Four

235K 6.2K 1.2K
                                    

CHAPTER FOUR

SIMPLE lang ngunit maaliwalas at malinis ang bahay ni Johann. Naramdaman rin ni Sapphire na masiyahin ang aura ng mga tao na nakatira sa subdivision na iyon. Bago kasi sila pumasok ng bahay ni Johann ay ipinakilala muna siya nito sa mga kapitbahay nito. At iyon nga, natuklasan niyang friendly ang neighborhood. Lahat nakangiti sa kanya at niyayakap pa siya. May beso-beso pa nga. Pinakilala kasi siya ni Johann na fiancee nito.

            "Hep!" pigil sa kanya ni Johann nang papasok na siya ng bahay nito. "Hubarin mo ang sapatos mo, binibini. Kakalampaso ko lang kaninang umaga bago ako umalis ng bahay."

            "Ha? Madudumihan ang paa ko."

            "Naglampaso nga ako kanina."

            "Eh, kanina iyon. Madumi na ulit ang floor mo. May alikabok na ulit."

            Naghubad ito ng sapatos at naunang pumasok sa bahay. "Sandali, ikukuha kita ng pambahay na tsinelas." Dire-diretso itong lumapit sa isang back door na nasa kusina ata. Kitang-kita iyon mula sa kinatatayuan niya.

            Lumabas si Johann sa back door at pagkabalik ay may gomang tsinelas na itong dala. Yumuko ito at ito pa ang nagsuot sa kanya ng tsinelas. Kulay puti ang tsinelas na may yellow strap.

            "Anong brand ng slippers 'to?" tanong niya habang nakatitig sa suot na tsinelas. Ngayon lang siya nakakita niyon.

            "Palengke brand."

            "Palengke?"

            "Oo. Mahal iyan. Twenty."

            "Twenty thousand?"

            Johann laughed. "Twenty pesos. Sa tabi-tabi ng palengke iyan binebenta. Twenty-five pesos nga iyan. Tinawaran ko lang."

            May tsinelas pa lang twenty pesos lang? At okay pa sa paa! Ang binibili niya kasing slippers sa mall ay pinaka-cheap na ang five hundred pesos.

Lumakad siya papasok sa sala na may isang mahabang sofa at dalawang single seater sofa sa magkabilang gilid. Sa harap niyon ay isang 27-inches flat screen T.V.

            Binagsak ni Johann ang sarili sa mahabang sofa. Inabot nito ang remote na nakapatong kasama ang isang landline telephone sa isang side table. Binuksan nito ang T.V. at sports channel agad ang bungad.

            Pinagpag nito ang tabi. "Upo ka."

            Umupo nga siya katabi nito. "Bakit nasa living room ang T.V. mo?"

            "Bakit saan ba dapat?"

            "Ahm, sa entertainment room? O kaya sa bedroom."

            Natawa ito. "Ang liit lang ng bahay ko, saan ko pa isisiksik ang entertainment room? Saka mabuti nang nandito 'yan. Para kapag may bisita ako, aliw sila manood ng T.V."

            Nilibot niya pa rin ang tingin sa buong bahay. Wala masyadong nakasabit sa dingding ni Johann. Kahit paintings or picture frames wala. Kung doon siya titira, marami siyang naisip na isabit sa mga dingding.

            Oh, wait! Is she considering living there now?

            Hmm. Why not, Sapphire? Homey naman ang feeling. That's true. Isa iyon sa kinagulat niya. Johann's a bachelor. So she was more on expecting a house with a very manly style and aura. Na-i-imagine niya pa na baka makalat ang bahay nito pagdating nila. Pero hindi. Naglampaso pa nga daw ito kanina.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon