Ano ba ang pakiramdam ng ma-broken hearted?

708 0 0
                                    

I wrote this whole thing para sa mga taong broken hearted, para sa taong ngayon palang nag mo-move on at para sa mga taong nawawalan ng pag-asa. Yung feeling na as in "BROKE" I feel you all. I've been there, sinulat ko to/ti-nype ko sa Wattpad kasi I want to serve as an inspiration, speciall y for those who are in despair right now, Yung pakiramdam na 'Grabe wala man lang nakakaintindi sa nararamdaman ko" Cheer up Ladies & Gentleman, Meron - Ako :)

I'm honestly a newbie sa pagsusulat dito sa wattpad, So kindly please bare with me.

Tulungan niyo ako by means of Vote , Comments & Suggestion. 

Thank you and Godbless :) <3 

Twitter ko : PauIwa & CrazyLoccaPAU

Tumblr : spreadlovenothate011

Facebook : Paula Magsombol-Gaerlan, Email : mpdmg11@gmail.com

Hindi ako sobrang love expert but I do know how it feels like and lastly nalagpasan ko na yung ganyang klaseng heartbreaks.. :) :D

Feel free to email me, chat, add, message or tweet.

 Prologue

Ang buhay ng tao, parang roller coaster ride yan.

Minsan  nasa taas ka, meaning to say successful at masaya ka.  Pero kadalasan nasa baba ka , meaning to say, isa kang bigo. 

Pero anu nga ba ang pakiramdam ng ma broken hearted?

Madali nga ba talagang mag move-on? O sa salita lang? Pero it  takes lots of year para magawa mo ng tama?

Minsan ko ng naramdaman to, at ngayon napagtanto ko, marami pala ang klase ng pagkaka-brokenhearted. 

1. Broken hearted kasi hindi ka sinagot ng nililigawan mo.

2. Broken hearted kasi naghiwalay kayo ng taong pinakamamahal mo. 

3. Broken hearted kasi yung taong mahal mo, hanggang sa pumuti ata ang uwak e walang nararamdaman para sayo.. yung tipong binabalewala ka lang niya.

Chapter 1 -"Kapag iniwan ka ng taong mahal mo"

Kapag iniwan ka ng taong mahal mo, yung as in mahal na mahal mo. Yung tipong 8 buwan na kayo, 1 taon mahigit etc. Ang feeling nun? Ayun, Parang papel na pinupunit. Bakit? Kasi sobrang sakit. Lalo na kung alam mo na hindi ka nag kulang, lalo na kung lahat ginawa mo para lang maging healthy ang relasyon niyo, lalo na kung sa lahat ng pagkakataon na pangit ang pinapakita niyang ugali sayo ay pilit mo padn siyang iniintindi. Sobrang sakit nun, At ang pinakamasakit sa lahat ay yung malaman mo na may iba na siya, yung tipong kala mo nadumihan lang ang damit at nagpalit siya kaagad. As in, agad-agad? Sarap i-nominate sa hot water challenge nu? Pero kahit ganun, makita mo lang siyang masaya.. mapapangisi ka nalang din pero ang totoo niyan deep inside "PUTANG*** niyo! Magsama kayo" , "OGAG ka! May karma kadng hayop ka" at ang pinka famous line dian "Tandaan mo, walang magmamahal sayo katulad ng pagmamahal ko sayo" - Yang famous line na yan? Applicable yan sa mga lalaki at babae na sobrang hirap pakisamahan, yung tipong may saltik at may attitude na di kaaya aya, pero inspite of that ay merong nag tyaga sa kanila at tinanggap ng buong puso ung FLAWS nila, kahit minsan nakaka iyak, sobrang sakit at parang gusto mo ng bumitaw. so ayun..

"Girls point of View after a Break-Up sa taong pinakamamahal niya"

After 1 week ng break-up

Nakakainis, Bakit niya ginawa sakin yun... >_<Minahal ko naman siya ng lubusan ah? ni minsan sa relasyon namn, naging Loyal ako, naging maunawain, naging maalaga, sweet, mapagbigay teka, saan ba ako nagkulang? nagkulang nga ba ako o sumobra? Hindi na ba niya ako mahal? As in ayaw na niya kaya,... haist, Bakit ganito kasi - Mahal na mahal ko siya. *Feeling down* sabay tugtog o soundtrip ng mga senting kanta.. kagaya ng 

Before I let you go,Forget About Me, One last cry etc. 

After 2 weeks ng break-up


Bakit kasi ganun e, Nakita ko pa siya. Ang dami dami ko namang makikita, BAKIT SIYA PA! WTH *sabay tapik sa kaibigan na babae, or di kaya sa kasama* ALAM mo ung awkward surroundings? Yun un e. Lalo na lkapag as in mahal na mahal mo, Tapos nag end ang relationship niyo ng walang kadahilan dahilan man lang. Parang bubbles, bigla nalang pumutok at nawala -_-

Yung bunganga mo na parang machine gun, kasi hindi mo talaga mahanapan ng rason kung bakit nagkaganun. Minsan kahit napagtatanto muna ang mga bagay bagay , Pilit mo paring dine-deny sa sarili mo.. Kasi nga MAY EGO ka, Kasi nga MAY PRIDE ka.. Na kung minsan di mo maialis alis sa mga pagkakataon na dapat wala ka nun, or meron ka pero kinakaen mo. Kasi ang pride, Minsan sobrang panira yan e. Kahit anu ka pa, Babae or Lalake, Tomboy or Bakla - KASI NGA LAHAT NG TAO MAY PRIDE. Nasa atin na lang kung ibaba natin yan sa pagkakataon na talagang kinakailangan. Bigyan ko kayo ng example , Tayong mga babae - Mas gusto natin yung si LALAKE ang unang magte-text, Kahit minsan alam natin na hindi naman at all times pwede yun. Tsaka isa pa, Diba linya nga natin "DAPAT GIVE AND TAKE" so anu ba naman yung tayong mga babae ang minsan maunang magtext kay boy diba? Isa yan sa mga bagay na minsan naghuhudyat ng hndi pagkakaunawaan, Yung tipong itetxt mo yung boyfriend mo na "ge, ganyanan tayo a" - Minsan sobrang mali na.. Ang nature kasi ng lalaki, Magtetxt yan sayo kapag gusto nya, kapag namiss ka niya, kapag may ipapa-alala siya sayo, Or di kaya ayaw nya ng text - ang gagawin niyan TATAWAG SAYO. Oh diba? Mas sweet. Isa pa sa nature ng guy ay very unpredictable, Kaya nga sabi nila diba? Hindi mo siya maiintindihan agad agad habang hindi kayo nagtatagal.. Hindi sapat ang 1 linggo, 1 buwan, or 6 na buwan para lang masabi mo na "GRABE ka talaga , wala ka man lang ka-sweet sweet sa katawan", It takes time to know one's personality and attitude.

3rd Week after Break Up 

Makikita mo ang Facebook niya, or di kaya ang twitter niya , Instagram niya, etc. Ito yung stage na napaka stalker type mong tao. Pupunta ka sa facebook niya or kahit sa anong social networking account na meron siya at friend mo siya/follow - Tapos may makikita kang post or picture. Post na "It's better to be single, Than to be in a relationship full of doubts" - Tapos mapapaisp ka, "Ganun ba ako katindi magduda sa relasyon naming dalawa? Hindi naman ata"  May word na "ata" kasi ikaw mismo sa sarili mo hindi mo kayang aminin, aminin na sa relasyon niyo sobrang naging doubtful ka. Yung tipong sasabihan mo siya na "Sino yang KATEXT MO ha?" , "Tsk, Tuwang tuwa ka naman (kapag may mga babae na tintignan sya mula ulo hanggang paa) ..Yung mga scenario ba na ganun.   Ang selos normal, pero ang pagiging doubtful hindi. Kasi ang pagiging doubtful mo ay isang senyales na naggng segurista ka, na hindi healthy ang relasyon niyo. What you need is FAITH and TRUST. Na alam mo mismo sa sarili mo na kahit anong mangyari mahal ka niya,at faith na kahit anong mangyari, nakatingin man siya or hindi, kasama mo man siya o hindi.. hindi ka gagawa ng kahit na anong kataksilan o lihim sa likod niya. Tandaan mo na ang "PAG-IBIG" ay kagaya dn ng pagtaya ng lotto, Walang kasiguraduhan , Pero dahil nga ginusto mo "TUMATAYA" ka ;-) Yan yung pinakamahalaga sa lahat, Huwag kang matakot na masaktan , o di kaya mwalan ng taong mahal na mahal mo, alam mo ba kung bakit? Kasi GOD's WILL :D ^_^ yan lang ang lagi mong tatandaan, Minsan nga dapat magpasalamat ka pa sa ex mo e, Kasi kung hindi ka ngkamli sa unang pagkakataon, marahil ang pangalawang pgkakataon mo ay hindi kasing saya ng inaakala mo. Pero sabi nga nila, Case to case basis yan. Pero karamihan kasi ay ganyan.  Isa ako sa ganyan, Ang first relationship ko ay matagal, pero ayun., na-challenge lang pala, still THANKFUL parin ako, sobra. Kasi kung hindi siya nag exit sa buhay ko (my mind & my heart) , malamang hindi ko makikita yung tunay na WORTH ko, Bilang isang babae at bilang isang girlfriend nadin. Tsaka malamng, Hindi kami ng heart ko kung hanggang ngayon kami padin. Ang mahalaga sa isang relasyon ay yung pagtaya mo at pag exert mo ng best effort mo.. Yung level 999 na effort. Atleast sa huli wala kang pagsisihan diba? Kasi alam mo sa sarili mo na may pagkukulang ka man pero hindi ganun kalaki at tsaka pinipilit mong punan. :D

4th Week After Break-Up and so on and so forth..


Ito padin yung week na nagkakaroon ka ng madaming tanong sa utak mo, pero ni isang sagot wala kang tinatanggap, denial stage kasi to ng tao e

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken Hearted feels like thisWhere stories live. Discover now