Tagged

181 13 4
                                    

Bastos ka, Trining (@sacchariferousdream). HAHAHA. Benta sa akin 'yung nakalagay sa gan'to mo kaya makikiuso ako para japorms. Lol!

Fair warning: Not a story, bro.

Top twenty kachorvahan:

1. BOOKS

- I loooove books. Sa bahay namin, kahit saan ka tumingin may librong nakakalat. Unang librong natapos kong basahin ay 'yung Hardy Boys na kulay green ang cover. Required reading noong elementary. Kinailangan kong basahin kasi iro-role play namin 'yun sa harap ng buong population ng school at ako si Cali na ang tanging linya ay: "Your father is digging for gold?!" habang nanlalaki ang mga mata.

2. KAPE

- Real talk, makaka-survive ako sa loob ng isang araw na kape lang ang kasiping ng sikmura ko. That's how much I love coffee kaya kapag may nagyayaya ng libreng kape kung saan man, gorabels ang beauty ng lola mo! Frap ang paborito ko dahil sa whipped cream. Alam na kung saan ako ililibre hane?

3. SPAGHETTI

- Sa Jollibee Anonas ang spaghetti na sobrang nakasundo ng taste buds ko. This is my comfort food, kahit anong luto pa ng spaghetti 'yan, kakainin ko. Kahit na saan pa binili 'yan. Basta 'yan ang pagkain, sige lang! Lafang kung lafang!

4. MAPAGPATOL AKO.

- Oo, kahit bata kapag napikon ako pinapatulan ko. I don't care who you are, kapag ininis mo ako pasensyahan na lang kasi malakas na topak ko. Hahaha. Madalas kong makasagutan 'yung pinsan kong grade 6 kasi maldita, nauuwi kami lagi sa sigawan.

5. SHORTS and SKIRTS

- I will forever choose these two over pants and skinny jeans hindi dahil comfortable ako sa dalawa kundi dahil nakalabas yung mga binti ko. I feel more confident that way, kaya naiinis ako kapag sinasabihan akong naka-shorts na naman ako. To date, dahil akong pera, tatlo lang ang shorts na ginagamit ko pang-alis at skater skirts na sa kapatid ko pa. Lol.

6. T-SHIRT

- kabaligtaran sa legs, ayokong nae-expose ang braso ko kaya naman hangga't maaari, hindi ako nagsusuot ng sleeveless at mga damit na nagpapanggap na may sleeves.

7. PLATE NUMBERS

- I have this habit na kapag bored na ako sa biyahe, babasahin ko yung mga plate numbers ng mga kasabay na sasakyan sa kalsada, thinking what would happen kung ite-text ko sa LTFRB na lumalabag sila sa batas trapiko. Haha.

8. BS PSYCHOLOGY

- kursong kasalukuyan kong kinukuha sa WCC-QC. Wala akong interes sa tao noon, wala na lang talaga akong choice kasi isang linggo na lang bago magpasukan, hindi pa ako enrolled. Stress! Pakonswelo ko na lang na tao ang pinagaaralan namin dito. I write about people, magagamiy ko rin ito. Haha, but I learned to love the program. Sobrang astig.

9. FEU

- university na pinangarap ko dahil sa paldang green at sa kaiklian nito. Seryoso. Nataon lang na walang pampaaral sa FEU ang mga magulang ko. Ayun, pinaplano kong mag-Literature doon. Meron ba?

10. SAGADA AT VIGAN

- Diyan niyo ako makikta kapag mayaman na ako

11. CUSS WORDS

- madalas akong magmura lalo na kapag galit ako. Minsan mapapamura na lang ako nang walang dahilan. Did you know that cussing is actually a way to relieve stress? Yeah. Tangnajuice!

12. MARIKINA

- Grabe ang takot ko sa mga traffic enforcers ng Marikina. Ito ang kaisa-isang lugar na sinusunod ko ang pedestrian lane. Takot ko lang pakantahin ng Lupang Hinirang sa presinto nila.

13. DEPARTMENT STORES

- Ayaw na ayaw kong nagwi-window shop sa kahit saang department store sa kadahilanang kinakabahan ako sa mga salesmen/ladies na nakabantay. Haha, I don't know, hindi lang talaga ako komportable sa kanila.

14. FASHION

- judgmental ako sa pananamit ng ibang tao. It was bad trait I develop way back in high school, lalo na noong kausuhan ng jejemons. Ayaw na ayaw kong nakakakita ng plaid Chucks! Ayaw ko ng naka-plastic belt tapos neon colored pa. Arggggh, para sa akin kasi, pwede namang simplehan kapag di keri tapos jajaporms pa ng masakit sa mata! Yung repressed maldita genes ko, lumalabas sa mga pagkakataong ganito. Lmfao.

15. READING AT LANGUAGE

- Noong bata pa ako (prep-high school), ayokong nalalamangan ako sa English subjects. Ma-pride kasi ako noon, tapos feeling ko ang galing-galing ko. FEELING ko lang pala. It was not until I start writing that I opened myself to the possibility of making mistakes and grammatical error.

16. STARS

- Mahilig ako sa star. As in kapag maraming bituin sa langit, maglalakad ako habang nakatingala. Kiber sa makakakita? HAHA.

17. DIET

- I keep on losing weight but it keeps on finding me. Gerit?

18. TECHNOLOGY

- Hindi ako gaanong mahilig sa gadgets taliwas sa paniniwala ng marami. I can go on for a week witjout texting or surfing the net ─ maybe longer kung hindi ko lang kailangan mag-post ng update dito sa WP.

19. ROMANCE

- I am a hopeless romantic person. I believe in fate and destiny but I also happen to be a realistic person. Naniniwala akong na-out grow ko na ang pagiging martyr. Nanininiwala ako na loving without using the brain is not love at all. It's being stupid. #HugotPaMore

20. PUNCTUALITY

- Hindi ako mapagpasensyang tao. Haha, ni-literal? Ayokong ako yung naghihintay kaya madalas, late ako sa mga usapan kahit ako pa nag-set ng oras. So, alam na. Haha. Sorry na sa pagiging laging late. Haha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAGGEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon