File 002: Teddy Bear

66 3 2
                                    

Now Playing: Okay Lang Ako - Parokya Ni Edgar

"Pre nasabi mo na ba?" Pangungulit ni Jayson sa akin. Sa totoo lang hindi lang naman si Jayson ang tanong ng tanong sakin kundi ang buong barkada. Umiling ako sa kanya.

Lumapit si Tristan sakin at ginulo ang buhok ko sabay tumawa, "Ang hina naman nitong bata natin eh."

Sanay na ako sa kanila pati sa pangaasar nila sa akin. Paano ba naman kasi lumipas na ang apat na taon hindi pa rin ako nakakapagtapat sa taong gusto ko. Nakailang 'bukas talaga sasabihin ko na sa kanya' ako? Hindi ko na rin mabilang. Kapag kasi kaharap ko na si Trish nanghihina ang mga tuhod ko, nauutal ako at para bang hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Ilang taon na ba ako nagpaparaya sayo Errol? Bukas na bukas liligawan ko na yan si Patricia." Pangaasar ni Marky sa akin.

 Mas nauna niyang nakilala si Trish pero ako ang unang naging kaibigan ni Trish. "Tado ka." Mahinang sagot ko. Alam ko namang nananakot lang tong si Marky eh. Halos lahat na ata ng paraan ginawa nitong mga katropa ko mapaamin lang ako kay Trish. Pero wala eh. Hutaena.

"Tagay pa oh. Sa isang linggo na graduation. Puta ambilis ng panahon." Sigaw ni Jayson na mukhang lasing na. napalagok na lang ako sa alak. Sa tuwing binabanggit yung graduation para bang nalalapit na rin ang araw ng kamatayan ko. Taena ang gay. Pero kasi balak kong sabihin lahat kay Trish sa graduation. Para kung fail man at least hindi na kami magkikita. Ang nega ko noh? Naghahanda lang. Apat na taon ko nga tong pinaghandaan diba?

Nagstrum na si Marky ng kanta nila para sa akin. Ang torpedo ni Gloc 9 ang sarap pagkukutusan eh. Tagus-tagusan naman kasi lalo na yung chorus. Pero nagtatawanan lang kami at kung may ipagpapasalamat man ako eh yun yung kasama ko tong mga abnormal kong kaibigan na nakasuporta sa katorpehan ko.

Pumasok ako kahit malakas pa ang hung over ko. Paano ba naman kasi ayaw paawat nung tatlo kagabi eh kita ngang may praktis pa kami ng graduation ngayon. Dahil nga isang linggo na lang, puro practice na lang inaatupag ng mga 4th year. Nakakaumay na nga eh lalo na pagdating dun sa graduation song namin. Pambading pwe.

Pasuray akong naglakad papunta sa pwesto ko. Nasan na kaya yung tatlong mokong? Mga late pa ata, sana nagpalate na lang din ako.

"Errol." Tawag nung katabi ko sakin. Mangungulit nanaman tong si Joanna eh. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagyuko. Kailangan kong makabawi ng tulog.

"Huy Errol." Ngayon malapit na talaga siya sa akin dahil ramdam ko ang hininga niya. Amoy mentos ah. Naiirita akong inangat ang ulo ko. "Bakit nanaman ba Jo--" Natameme ako. Akala ko kasi si Joanna yung katabi ko. "Ui Trish musta? Hehe ikaw pala." Pagkakamot ko sa ulo ko.

"Ayos ka lan gba? Para kasing.." Tinitigan niya akong maigi dahilan para maginit at mamula ang mukha ko kaya umiwas ako agad ng tingin. "Ayos lang.. Ayos na ayos lang ako."

"Tayo nga pala ang partner ngayon, wala pa kasi si Joanna eh." Paliwanag niya. Hindi na ako nakasagot kasi nagsimula ng tawagin yung section namin. Hudyat para magmartsa na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Friend Zone FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon