Chapter 17

10.2K 333 172
                                    

Maaga akong nakauwi ng bahay kasi sabi ni Kuya Chuckie, tinatapos pa nila yung thesis nila. Pero ang alam ko, nagtatampo yun sakin kasi mas pinanigan ko nga si Martin. Lagot talaga ako sa iba pang mga kuya ko, huhuhu.

Bagsak ang mga balikat kong pumasok ng bahay. Di ko na nga napansin na mas nauna pang nakauwi si Mama sa'kin eh.

"Oh, bakit mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa?" nag-aalalang bati niya sa'kin bago niya 'ko niyakap at hinalikan sa noo.

"Eh...kasi po siguradong galit sa'kin sina Kuya eh. Lalo na si Kuya Chuckie," malungkot kong balita sa kanya.

Iginiya ako ni Mama sa sofa tapos pinaupo niya ako. "Hindi 'yon. Tandaan mo, Charlotte, walang sinuman ang kayang magtanim o dapat magtanim ng galit sa kapatid. Sinu-sino na lang ba ang magtutulungan balang araw kundi kayo-kayo rin, diba?" Tapos sinalo niya yung baba ko para tignan ako sa mata. "Tsaka hindi ka rin matitiis ng mga kuya mo dahil baby ka nila. Sa cute mong 'yan? Sinong makakatiis sa'yo?"

"'Yun na nga po 'yun, Mama. Sa tingin nilang lahat, baby pa rin ako," buntong-hininga ko. At mukhang tama nga silang lahat na baby pa rin ako. Nakaka-sad naman, haaayy.

"Mukhang mahaba-habang usapan ito ah. Gusto mo ng ice cream? Bumili ako ng Double Dutch."

Pagkasabi niya no'n, agad talagang nagliwanag yung mukha ko! "Sig-- teka po, akala ko po ba bawal akong kumain ng hindi niyo gawa?" takang tanong ko sa kanya.

Tas kinindatan niya ako. "Secret lang natin. Ako'ng bahala sa'yo. Basta bilisan nating kumain ha."

Pinagbihis muna niya ako ng pambahay habang hinahanda niya yung ice cream. Tapos dun kami dumiretso sa kwarto nila ni Papa imbes na sa sala. Para raw hindi kami mahuli. Sinindi na rin niya yung TV pero mahina lang yung volume.

Nakalahati ko na yung nilagay niya sa tasa ko nung nagsimula ulit kaming mag-usap nang seryoso.

"Alam mo bang nandito sina Kuya Chino at 'Ya Marcus niyo kagabi? Si Mason lang ang hindi nakauwi," kwento niya at nalungkot na naman akong tumango. "Pinag-usapan nila yung ginawa ni Chad. Mali nga naman kasi yung ginawa niya sa kaklase mo. Kaya ayun, napagkasunduan nilang huwag masyadong maghigpit sa'yo simula ngayon."

"Talaga po?" di-makapaniwalang paninigurado ko at nginitian ako nang matamis ni Mama. "Pero pa'no po silang hindi masyadong maghihigpit? Pwede na po ba akong lumabas kasama ng mga kaibigan ko tas gabihin umuwi? O kaya, uminom na hindi sila kasama?"

Pinanliitan niya ako ng mata. "Charlotte, hangga't maaari huwag kang uuwi ng gabi ha. At kung hindi mo man kasama sina Kuya mong uminom o maglagalag kung saan-saan, siguraduhin mong dapat ang mga kasama mo ay sina Louie, Chan-Chan o Hiro lang. O kaya yung mga team mates mo. Hangga't maaari sana, yung mga makakasama mo ay kilala din namin. Mamaya mapariwara ka naman."

"Eh paano po kung may project po sa school? Diba sina Kuya po noon, nakiki-sleepover sa mga kaklase nila para tumapos ng assignments? Edi sempre meron din akong ganon?"

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon