Chapter 10-School Festival

44 1 0
                                    

Author's Note: 

Check out the pics of our characters hahaha. Nagdeliberate pa talaga ako sa sarili ko para sa kanila. So yeah, Enjoy reading! 

10

Tinignan lang siya ni Wol--na para lang siyang walang pakialam sa sinabi nito. Na parang lumipad lang sa hangin ang mga salita. 

"Andito naman ako"

"Andito naman ako"

"Andito naman ako"

Patuloy na nag-play ito sa utak ni Timothy. Parang nawalan siya ng energy at pumutok na ang circuit sa utak niya dahil hindi niya maintindihan ang sarili niya. 

Nagkunwari siyang inubo at inulit ang sinabi niya, "Andito naman ako, para tulungan kayo ng Kuya mo. Kaya mag-ayos ka din"

Nagulat si Timothy, dahil ngumiti si Wol, "Salamat ha Timothy. Susubukan ko talaga"

"Tss", palusot niya, "Parang pilit naman yung ngiti mo"

Tinignan lang siya nito, "Parang ikaw ngumingiti a"

Napaisip si Timothy. Oo nga no, hindi siya mahilig ngumiti--kaya naman sinubukan niya. 

Ngumiti siya kay Wol, "Ganito ang tamang pagngiti"

"Parang ang peke naman", sagot naman ni Wol. 

"O eto", sinubukan ni Timothy na ngumiti katulad ng dati...katulad ng dati bago pa nangyari ang mga bagay na iyon. At mukhang nagtagumpay siya dahil tinaas ni Wol ang thumb niya. 

"Ayan, patas na tayo", tapos tumango-tango pa siya. 

"Oh okay na a". sabi ni Timothy, pagkatapos ay nagpatuloy na silang maglakad. "Kailangan mo ring magpractice ng ganon, sa birthday party marami kang nginingitian, kahit na hindi mo sila gusto, o hindi kilala"

"Oo nga naman", tumango-tango naman si Wol. 

"Hello po Kuya". nagulat si Timothy ng may bumati sa kanya, ngiting-ngiti ito, pero parang napausog siya ng makita si Wol. "Ah-eh ano po, iniinvite po namin kayo sa Cultural Festival ng school namin ngayon"

"Oh talaga? Kahit weekends meron?" pag-uusisa ni Timothy. 

Tumango-tango yung babae. Tumingin naman siya kay Wol, "Gusto mong pumunta, maganda rin to para sa socializing"

Tumago lang din si Wol. 

Sinundan nila ang bata at nakarating sila sa isang magarang Highschool. 

Biglang nagbuntung-hininga si Wol, "Buti nalang hindi don sa school sa kabila, kung hindi tatakbuhan na kita"

"At bakit naman?", pagtatanong ni Timothy. 

"Bad memories", sagot ni Wol. 

Natigil ang pag-uusap nila dahil na rin sa ingay ng mga tao sa loob. Tinignan muna sila ng mga guards bago nakapasok. 

Taming the WallflowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon