M.H.H: Thirty Four

163K 2.5K 109
                                    

Chapter 34

Alexandra's P.O.V

Nasa beach resort kami ngayon, dahil gusto na rin mag-vacation ni mom with us. Tamang-tama naman ang panahon and sobrang peaceful ng lugar, makakapag-relax talaga. Break din muna ako from work, nasabi ko naman na iyon sa boss ko. My mom said umalis na ako sa restaurant at magtrabaho na sa company niya pero I disagreed, gusto kong maging independent muna. Ang sabi ko sa kanya magiipon ako at magaaral ulit, tsaka ako maghahanap ng mas magandang trabaho.

"Claire, wala kabang sasabihin samin?" Mom broke the silence, yes, nandito rin si Claire with us. Nagtataka nga ako kung saan siya nakakuha nang lakas ng loob para magpakita sakin pagkatapos ng ginawa niya, I didn't mind it dahil hindi ko nalang siya pinapansin. Nasa cottage kami ngayon at kumakain ng lunch, sila Sj, Xanley, Drew at Cheska at nags-swimming parin.

"What? Ano ba dapat kong sabihin sa inyo?" Tanong niya habang tinutusok-tusok ang meat na nasa plate niya.

"An apology? Perhaps." Maigsing sagot ni mom.

"Oh? I'm so sorry, happy now?" She said in sarcastic way and then shrugged, rolling her eyes at the same time. "Masaya naman kayo diba? Hindi naman naging disastrous, kaya wala akong dapat hingan ng forgiveness sa inyo."

"Omygoodness, you're unbelievable." Hindi makapaniwalang saad ni mom.

"Nandito na ang kaibigan ko, kaya pwede ba mom? Huwag muna kayong sumabay." Claire spat habang nakatingin sa phone niya at nakakunot ang noo. "He's here, already."

Napatingin nalang kaming apat nang may pumasok sa cottage, agad tumayo si Claire at sinalubong ang kaibigan niya. She hugged him and kissed his cheek, mukha ring naiba ang mood niya. Nang makita ko ang buong mukha ng bisita niya, my mouth literally parted because I recognized him. Si Ezekiel Merced? Yes, it is him. Siya ang kaibigan ni Claire? I didn't expect this.

"Oh, God! I missed you Zeke!" Claire exclaimed, napatingin ako kay Stanley. He wasn't focusing on him, patuloy parin siya sa pagkain niya. Tumayo si mom at lumapit kay Zeke, she greeted him.

"Zeke, I'm glad you came." Said mom.

"Hi po, tita. I've missed you too, Claire." Zeke said at nagmano pa kay mom.

"Maupo ka, sumabay kana samin sa pagkain." Mom suggested, tumango lang siya at sabay silang umupo ni Claire na magkatabi pa ng umupuan.

"It's really good to be here." Zeke commented.

"Ah, Zeke. 'yung anak ko ng matagal ko ng hinahanap, si Alex. Eto naman ang asawa niya, he's Stanley." Pakilala samin ni mom, nabaling ang tingin samin ni Zeke at napanganga siya at halatang gulat rin. Oh, God. I want to hide my face, naalala ko na pinahiya nga pala siya ng asawa ko.

"Alex?! I can't believe this, I'm glad nahanap niyo na po siya. Kilala ko siya, siya 'yung highschool classmate ko." He stated while smiling, sabay tingin kay Stanley. "Hey, dude!" Nakangisi niyang pag-approached kay Stanley, tumingin ulit sakin si Zeke at kumindat. Napangiwi ako dahil biglang hinawakan ni Stanley ang kamay ko na nasa ilalim ng table.

"Let's eat." Buti nalang nag salita si mom kasi napapansin kong may namumuong tensyon sa dalawa. Nagsimula na kaming kumaing lahat, ang awkward. May magsasalita lang samin kung may itatanong si mom or what.

My Heartless Husband ◌༉‧ [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon