Chapter 5

265K 7.6K 810
                                    

Ang problema sa mga ex? Ang tagal nilang mamatay, mga ipis na 'yan. Iisa pa lang naman ang naging ex ko pero wala na akong balak dagdagan. Dinaig pa ni Albert ang pamilya ko sa sobrang dami n'yang missed calls at text messages kinaumagahan.

Masyadong papansin, mukhang paniki naman. Peste.

"Kailangan mo nang magpalit ng number, Green!" I told myself after I took a shower. 

Late na akong nagising kasi hinintay ko ang text ni Red. At ang loko past eleven na n'ung tumawag kasi raw na-drain ang baterya n'ya. Mga lalaki talaga ang daming excuse. Hindi ba pwedeng mag-text habang nag-cha-charge? Nakakapanis ng utak. Mumurahin ko pa sana pero wala na akong energy kagabi kaya pinalampas ko na lang.

My phone rang for the nth time at tiningnan ko muna ang screen to make sure na hindi si Albert ang tumatawag.

I smiled with relief when I saw that it was my Mom. "Mommy!"

"Green, kumusta? Naayos mo na ba ang apartment mo? Nalagyan mo ba ng secondary locks? Nand'yan na ba 'yung kotse?"

"Okay lang po, Mommy. Nailagay na po 'yung secondary locks na ipinadala ninyo sa akin. 'Tsaka pagdating ko po rito kahapon nandito na po 'yung sasakyan. Mabuti nga mabait 'yung may-ari ng apartment at napakiusapan natin na s'ya ang kumuha ng kotse sa pier."

"Oo, mabuti na lang. Nakiusap ang Daddy mo sa kanya and we just sent him the paper works. Good thing we saw his apartment's ad online."

"Oo nga po, he's nice. At saka ang ganda po ng bahay. Kung ano 'yung nasa pictures, gan'un po talaga ang hitsura ng unit."

"Pasensya ka na, Iha hindi ka namin naihatid."

"I understand, 'Mmy. Alam ko namang hindi ka pwedeng hindi mag-attend sa conference 'tsaka si Daddy din may business deal na inaasikaso."

"Kung hindi lang sana nagtatampo ang mga Kuya mo sa'yo..."

"Hindi bale po okay lang. Sorry po kung hindi ako tumawag ulit kahapon, may mga inayos pa po kasi ako," I said. At saka sobrang daming nangyari, nawindang ako.

"I understand. 'Yung mga Kuya mo hanggang ngayon ay galit pa rin kung bakit ka namin pinayagang mag-Diliman."

Apat ang kapatid kong lalaki at ako ang bunso. Lahat sila ay wala pang asawa at ginawa na nilang hobby ang pakialaman ang buhay ko. Nagtampo ako na wala man lang kahit isa sa kanila ang naghatid sa akin sa Manila but I was aware that they'd hoped I'd get discouraged and not push through with my plans.

"Alam mo naman sina Kuya, Mommy." I sighed.

Malayo ang agwat ko sa mga kapatid ko. Mom was already forty-one when she had me kaya tuloy nineteen years ang gap namin ng panganay kong kapatid samantalang 'yung sinundan ko namang Kuya ay thirteen years ang tanda sa akin. Architect si Daddy samantalang si Mommy naman ang nag-ma-manage ng real estate business ng pamilya.

"Alam mo namang ikaw ang bunso kaya paniguradong miss na miss ka na nila. Nagkita na ba kayo ni Albert?" she asked.

I had a feeling na alam ni Mommy ang totoong rason kung bakit gusto kong mag-Diliman. Siguro gan'un ang mga nanay, nararamdaman nila ultimo kalandian ng anak. At siguro din martir ang mga nanay kasi kahit alam nila ang totoong rason kung bakit mo ginagawa ang isang bagay ay pikit-mata ka nilang susuportahan para sumaya ka lang.

"Opo."

"Ayaw ng Daddy mo at ng mga Kuya mo kay Albert pero kung saan ka masaya, alam mo namang kakampi mo si Mommy."

"Hiwalay na po kami," I murmured and there was a pregnant pause on the other line. "May iba na po s'ya."

"Oh my God, baby, I'm so sorry. Kailan pa?"

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon