Hindi Ko Inakala

40 4 0
                                    

Hindi ko inakalang ika'y makikilala

At tumibok ang puso sa unang pagkikita

Tila may pangambang nadarama

Wari ko'y puso'y magdurusa

'Di ko sukat akalain ang mga pangyayari

Na ika'y may pagtingin rin

'Di maintindihan aking nadarama

Iba't ibang emosyon, may halong saya't pangamba

Mga pangyayaring 'di inaasahan

Na nagpabago ng ating kapalaran

Mga taong sumubok sa ating pagmamahalan

Na mas nagpatibay ng ating samahan

Hindi ko inakala na ako'y magmamahal

Sa una at huling pagkakataon,

Samahang walang hanggan

Pinatibay ng tiwala't pagmamahalan.

Crappy ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon