He's Definitely a Superstar (One Shot)

Magsimula sa umpisa
                                    

~The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.~

Bakit unattended ang phone nya? Hindi naman nya siguro nakalimutan na anniversary namin ngayon diba?

Wala sa sariling naglakad ako papunta sa living room at umupo sa couch, pagkatapos ay nilapag yung phone ko sa center table. Akmang babalik na ako sa pagkakasandal sa couch ng biglang naagaw nung frontpage ng dyaryo ang pansin ko.

Nanginginig na kinuha ko yung dyaryo at tinitigan ito ng mabuti.

It was a picture of RJ with one of his leading ladies. The girl's arm clinged to his.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita ko. Hindi ko alam kung sa'n ako nakakuha ng lakas para basahin yung article na nakalagay sa ilalim ng picture.

RJ Salvador and Rachel Gomez, Officially Dating?!

Young superstar RJ Salvador was spotted in a mall with his 'I Love You Forever' leading lady, Rachel Gomez.

According to my source, it has been a long time since RJ dated his non-showbiz girlfriend, Nimfah Grace Cortizano. Thus, the speculation that Salvador and Gomez are now officially dating just grew stronger.

Hanggang sa hindi ko na nakaya pang ipagpatuloy ang pagbabasa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Sakit. Inis. Selos. Pagdududa. Lahat lahat na ng hindi kanais-nais na pakiramdam. Pa'nong hindi eh ngayon lang nagkaroon ng ganitong issue tungkol kay RJ.

Siguro kung 5 years ago lumabas ang issue na 'to, matatanggap ko pa eh. Kaso iba na ngayon. For Pete's sake! We've been together for 5 years now. Pa'no ko 'to matatanggap?

Kaya ba gustong-gusto nyang gawing private ang relationship namin as much as possible ay dahil kinakahiya nya ako?

O baka naman kaya rin unattended ang phone nya ngayon ay dahil kasama nya ang Rachel na yun?!

Damn! Ang sakit!

All of a sudden, nagsipag-unahan na lang bigla ang mga luha sa mata ko. Naramdaman ko rin ang biglaang panginginig ng buo kong katawan. Parang kanina lang, excited na excited pa ako ah? Tapos ngayon --- aish!

I was still holding the newspaper ng biglang bumukas ang pintuan ng condo ko. Iniluwa noon ang lalaking dahilan kung bakit nararamdaman ko ito ngayon.

Stupid moron. Nakalimutan ko palang ilock iyon kanina.

Tumingin ako sa kanya pero mabilis lang.

"Babe..."

Alam ko ng lalapitan nya ako kaya inunahan ko na sya. Agad kong ibinalibag yung dyaryo kung saan at pagkatapos ay mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko at ini-lock ang pinto nito. Sakto pagka-lock ko ng pinto ay narinig ko ang pagkatok nya mula sa labas.

"Babe, buksan mo naman 'to o, please! Kung ano man yung nakita at nabasa mo sa dyaryo, hindi totoo yun!" patuloy pa rin sya sa pagkatok, rather sa pagkalampag sa pintuan ng room ko, habang ako naman ay nakasandal lang sa likod nito.

"Umalis ka na dito!" sigaw ko.

"Babe, pakinggan mo naman ako o. Sige na, please... I'm begging you..."

"Leave me alone!" sigaw ko ulit.

Pagkatapos ay bigla na lang akong nakarinig ng footsteps. Mukhang sumuko na sya. Ilang sandali lang, ay narinig ko na rin ang pagsara ng main door ng unit ko, tanda na umalis na talaga sya. Napahawak na lang ako sa dibdib ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak sabay napaupo sa sahig.

He's Definitely a Superstar (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon