Harana [one-shot story]

223 6 8
                                    

Uso pa ba ang harana?

'Sana naman...'

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para sayo--

Pinutol ko na ang tugtog na nanggagaling sa cellphone ko.

Umuulan nanaman... Bigla ko tuloy naaalala.

Ako si Alliya. Alliya Mercado. Ok lang ba kung ikwento ko sa inyo ang isang parte ng buhay ko?

**4th Year Highschool

Nandito na ako sa school at kukuha na ako ng gamit sa locker ng biglang..

"Alliya!!"

"O?" Tanong ko sa kanya.

Siya si Christian Rivera. Proud akong sabihin na boyfriend ko yan.

Inabutan niya ako ng blue rose.

"Para san naman to?" Tanong ko sa kanya habang kinukuha yung bulaklak.

"Wala lang. Gusto lang kita bigyan." Sabi niya ng may napakasayang ngiti sa mukha niya.

"Salamat."

"Tara na?" Tanong niya sa akin at sabay na kaming pumasok sa room namin.

"Ang swerte naman ni Alliya." Girl 1

"Oo nga eh. Ang tagal na rin pala nila ni Christian no? Halos magpo-4 years na rin pala sila." Girl 2

"4 years?!" Girl 3

"Shhh! Baka marinig ka nila." Girl 1

Nagsimula na ang klase nun.

At sa isang iglap natapos na agad yung first half ng klase.

Sabay kaming maglunch ni Christian sa gazebo ng school.

Napansin kong di ganun kasigla si Christian.

"Ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ah wala. May naiisip lang ako." Sagot naman niya.

"Ah.. Ano naman iniisip mo?"

"Wala lang." Sabi niya sabay ngiti. "Gusto mo?" Sabi niya habang inaabot sa akin yung brownies na baon niya.

"Sige. Salamat! Ikaw? Gusto mo ba nito?" Sabi ko naman sa kanya habang inaalok ang baon ko.

"Ah sige. Salamat din."

Natapos na ang lunch namin.

At sa isang iglap uli, natapos na rin ang klase namin.

"Tara. Hatid na kita." Sabi niya sa akin.

Hinatid na niya ako sa bahay namin.

"Salamat sa hatid." Sabi ko at lumabas na ng kotse.

Lumabas siya ng kotse.

"Alliya!"

"Hmm?" Lumingon uli ako sa kanya.

"I love you."

"I love you too." Sabi ko.

"Ano.. So.. Gusto mo manood ng movie sa Saturday?" Tanong niya.

"Sige! Ok lang sa akin."

Harana [one-shot story]Where stories live. Discover now