Chapter 12: The New Character

4.8K 134 16
                                    

Takeshi  POV

Kakalabas ko lang ulit doon sa kwarto ni Ian. Hanggang ngayon nararamdamn ko pa rin yung pagkainit ng pisngi ko. Bakit ko ba kasi nasabi yun?!

<a/n: ano ba sinabi mo kanina kay Ayumi ha Takeshi ?>

Wala yun author, wag mo nang ipaalala -_-

<a/n: SASABIHIN MO O PAPATAYIN KITA?! SAGOT!>

Eto namang si author nagbibiro lang sasabihin na po. Gamit na lang tayo ng flashback.

Flashback.

Napa- irap siya sa akin at sabay nangalumbaba.

Natawa na lang ako sa paraan ng pag- irap niya. Narinig niya ata akong tumawa kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit ka tumatawa? ha?" tanong niya sa akin ng pabalang.

"Wala. Ang cute mo kasing umirap" sa isip ko.

"Anong sabi mo?"

Nasabi ko ba yun ng malakas? PATAY TAYO NITO! SANA DI NIYA NAINTINDIHAN!

Teka halata naman na hindi niya narinig eh.

"A- ano, wala wala yun. Sabi ko.. Ang pangit mong umirap" sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin.

Naramdaman kong nakatitig siya sa akin kaya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

Lumapit siya sa akin at itinapat niya yung mukha niya sa mukha ko.

ANONG GAGAWIN NIYA?!

Nagpapanic na yung buo kong sistema pero kailangang ipakita ko na hindi ako apektado.

"Teka, anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Medyo okay pa naman di ba?

Nilagay niya yung palad niya sa noo ko.

Nakaramdam ako na parang ang init ng paligid ko.

"Hindi ka naman mainit" sabi niya.

MALAMANG WALA NAMAN AKONG SAKIT EH! yan yung nasa isip ko at gusto kong sabihin pero wag na lang.

Nilagay niya naman yung likod ng kamay niya sa leeg ko..

"Oo nga, hindi ka mainit" sabi niya ulit.

Paulit- ulit Ayumi? -_- Try mo kayang lumayo. Uso space.

Tinanggal niya ang kamay niya at ma inilapit niya ang mukha niya. Konti na lang at magkadikit na yung ilong namin.

"O- oy tigilan mo nga yan!" shit! Bat nanginig yung boses ko? Patay na!

"Pero bakit ka namumula? Pati yung tenga mo namumula oh" sabi niya sabay turo sa tenga ko.

SHIT! NAKITA NIYA AKONG MAGBLUSH!

Nagwawala na ako sa loob ko pero di ko pinahalata baka mas mahuli niya ako kapag ganun ang ginawa ko..

Umiwas ako ng tingin at sabay itinulak ang noo niya gamit ang hintuturo ko at inilayo ang mukha niya sa akin. Baka kung ano pa ang mangyari sa akin kapag nagtagal pa kami sa ganoong sitwasyon.

"Ganyan talaga ako" sabi ko sa kanya at naglakad na palabas

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. Hay.. Kung hindi ako aalis baka mahirapan ako.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap ulit sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din siya. Kumaway siya sa akin kaya kumaway din ako pabalik bago ako tuluyang umalis.

End of flashback.

Andito ako ngayon sa canteen ng hospital at nakain. Masyado akong nagutom kaya kumain muna ako.

Naramdaman kong merong nakatayo sa harapan ko kaya tumingin ako at nakita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Pwedeng makishare?" tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko na puno na ang mga upuan at may dala siyang tray kaya tumango na lang ako.

Nilapag niya ang tray at umupo sa tapat ko.

"Charles Ortiz nga pala pare" sabi niya sa akin sabay abot ng kamay niya.

"John de Guzman" sabi ko sa kanya at inabot ang kamay niya para magshake hands.

Iba ang ginamit kong pangalan dahil mahirap na lalo na sa sitwasyon ko ngayon.

Walang umimik sa aming dalawa kaya ang tahimik ng lamesa namin.

Nang natapos akong kumain, tiningnan ko kung tapos na rin siya at hindi pa kaya umalis na ako.

Tiningnan ko siya ng tumayo ako at hindi ko alam kung guni- guni ko lang ba iyon o hindi dahil nakita ko siya mag smirk.

Nang nasa may tabi na niya ako, hinawakan niya ang braso ko at tumingin sa akin.

Ang mga mata niya ay kasing lamig ng yelo pero hindi ako nagpaapekto.

"See you soon, John" sabi niya sa akin sabay bitaw ng kamay ko at tumayo na rin siya at umalis.

Ang boses na iyon...

Pamilyar sa akin ang boses na iyon...

------

a/n: Dito na mag- uumpisa ang storya mo Charles ^^

Natuwa ako doon sa mga nagcocoment lalo na yung isa XD. 

Paalala ko lang po..

Expectations lead to disappointment

San nga ba narinig ni Rhals ang boses ni Charles?

At sino nga ba si Charles?

Abangan.....

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon