CHAPTER 12:

5.1K 198 37
                                    

Hi guys! After ng ilang months na pagiging inactive sa wattpad. I’m back! As in for real na ito. Sorry ang tagal ng update pero yun nga magiging active na ulit ako. Salamat sa sobrang habang pasensya niyo sa pag hihntay ng update ko. Medyo mahaba ng kaunti ang update ko ngayon kaya sana magustuhan niyo.

 

Thank you sa mga feedbacks ninyo!

Comment, Vote kayo na ang bahala.

Xoxo,

asrah028

CHAPTER 12:

BROOKLYN

Hindi na ako naka-tiis at binuksan ko na ‘yung box na ibinigay sa akin ni Jameson. Isa itong ball gown na pinag halong puti at pula, itinapat ko yung ball gown sa katawahan ko habang tinitignan ko ang reflection ko sa salamín.

“Sayang naman ‘tong damit na ‘to kung hindi ko papaunlakan yung invitation nya. Tsaka minsan lang ako maging maganda at elegante kaya susulitin ko na.” Bumaba ako at ipinatawag kay mama yung anak na bakla ni aleng Choleng, magaling kasing mag kabit ng make-up ‘yun.

“Kailangan naka red lipstick ka para eksena ka mamaya.” Sabi ni bakla habang pinag-eexperementuhan nya ang aking napaka inosenteng mukha. Once in a blue moon lang kasi akong mag kabit ng kolorete sa mukha. Hindi naman dahil tomboy ako, ayaw ko lang talaga. Parang ang bigat kase sa mukha.

“Ayan..” pagkatapos nyang isprayan ng spray net ang buhok ko, hinayaan nya na akong tignan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Nang makita ko yung kinalabasan napangiti ako…

Kahit ngayon lang kasi naramdaman kong ang ganda ko.. isinuot na ni mama yung mga accessories nya sa akin habang binubulong na ang ganda ganda ko. Mana daw talaga ako sa kanya.

Totoo naman yung sinabi nya e, totoo namang maganda si mama at hindi naman ako kokontra dun. Maya maya pa’y may bumubusina na sa tapat ng bahay namin.

“Basta anak, mabubuhay ka. Ipangako mo sa akin ‘yan.” Tumango ako at humalik sa kanya, “Huwag kang mag alala ma, hindi ako papabayaan ni God. At kung ano man ang mangyari sa akin, ipangako mo na tatanggapin natin.”

Yumakap na ako sa kanya at yumakap na.

“Ma, huwag ka ngang mag drama hindi bagay e! Aalis na po ako, I love you ma.”

****

Habang papasok na kami sa venue ng party ni Jameson, hindi ko maiwasang kabahan. Ngayon lang kase ako dadalo sa mga party na ganito. Inayos ko ang aking sarili, nag apply ng lipstick at huminga ng malalim.

“Brooklyn, kumalma ka lang okay? Nahahawa ako sa’yo.” Sabat ni Griffin, “Sino ba kasing nag sabing gumaya ka? Tsaka ngayon lang ako ninenerbyos ng ganito.”

“Basta stay put ka lang muna ha?” tumango lang ako bilang sagot. Mamaya-maya pa daw kasi lalabas si Jameson. Kaya nag lakad lakad mun ako.

Habang nag hihintay ako sa pagdating ni Jameson, hindi ko alam kung ano ba ang nag udyok sa mga paa ko na maglakad-lakad. Hanggang sa di kinalayuan natanaw ko si Sabina, mukhang may kausap itong lalake. Parang automatic na nag isip ang sarili kong paa papunta sa kina-roroonan ni Sabina.

My Heart Was Sold to a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon