Ang mga Gadgets ni Rosemarie - apcarandan27

68 0 0
                                    

Ang mga Gadgets ni Rosemarie

Ni: Arthur Philip Pacia Carandan

Gabi na nang dumating si Rosemarie galing school ng inilapag niya ang kanyang MP3 Player, Cellphone at Calculator sa mesa, nagpalit ng damit pantulog at natulog. Habang tulog si Rosemarie ay nagkakaroon ng buhay ang mga gamit sa mesa.

            Cellphone:       Grabe. Iba talaga ang naiibigay kong kaligayahan kay Rosemarie.

            Speaker:          Bakit naman? Ano bang naiibigay mo kay Rosemarie?

            Cellphone:       Syempre! Dahil maghapon niya'kong ginamit eh. Marami siyang ka-text kangina at tumawag pa ang Mommy niya.

            MP3 player:     Bakit ako din naman ah. Habang may ka-text siya, ang headset ko ang nasa tainga niya para makinig ng music.

            PSP:                Kayo lang ba? Ginagamit din niya ako 'no. pag gusto niyang mag-games. Katunayan nga, mayroon siyang bagong ni-download na games kangi-kangina lang.

            DVD Player:   Ako naman ay may naiibigay ding kaliayahan kay Rosemarie. Sabi niya, gagamitin daw niya ako bukas dahil gusto niyang panoorin ang kabibili lang na disk kangina.

            Speaker:          Simple lang naman ang gamit k okay Rosemarie. Pag gusto niya ng malakas na sound, ikinu-connect ni ya ang aking connector kina MP3 Player, Cellphone, DVD Portable, Laptop at PSP. Kaya hindi lang kayo ang may naiibigay na kaligayahan kay Rosemarie. Ako rin...

            Laptop:            Oy Speaker! Minsan ka lang gamitin 'no!  Cellphone, pag low-bat ka, sa akin ka pinapalsak para mag-charge dahil sira ang charger mo. Ikaw naman MP3 Player, sa akin nanggaling ang mga music mo kaya ka ginagamit ni Rosemarie. Ikaw naman PSP, oo nga't may bago ka ng games, pero lahat yun ay naka-save sa akin. Ikaw DVD Player, may DVD Rack ako kaya pwede siyang manood ng movie. At isa pa, maganda ang resolution ng video ko kaisa sa 'yo... kaya wag kang magmagaling. (at tinitigan si Calculator). Saka Calculator, pang-compute ka lang. kaya ko ding mag-compute 'no, kahit anong equation kaya ko. Kung anong kaya niyo, kaya ko.

            Cellphone:       Oy! Meron kang hindi kaya ano...

            Laptop:            Lahat nga kaya ko,  nakakaintindi ka ba?  

            Cellphone:       Kaya mo bang tumawag?

            Laptop:            Sus! Tawag lang pala! May Skype... saka may mga online naman para sa call and Text 'no.

            Calculator;       Nahihiya naman ako sa inyo... meron kayong higit sa isang kakayahan. Samantalang ako, pang-compute lang.

Speaker:          Ako nga din. Minsan lang ako gamitin.         

Laptop;            Saka meron akong kaya na hindi niyo kaya 'no...

MP3 Player:    Ano naman yun?

            Laptop:            Ang mag-internet...

            MP3 Player:    Hindi ko kaya yun.

            "Hindi ko din kaya yun..." ang nagkaisang sagot nina DVD Player, Speaker, Calculator, at PSP.

            Cellphone:       Kaya ko yun... Wifi ready kaya ako...

            Laptop:            Ewan ko lang kung kaya niyo ito... makakagawa ba kayo sa Document? Sa Powerpoint? Sa Excel? Sa Publisher? Makapag-edit ng picture sa Photoshop? At makakapag-burn ba kayo sa CD o DVD? Hindi niyo kaya yun...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang mga Gadgets ni Rosemarie - apcarandan27Where stories live. Discover now