CHAPTER 3 - THE PAST part 2

702 7 3
                                    

”HIN-“ mag-sasalita na sana ako kaso ..

“Wag mong dalhin ang ugaling squater dito!”  Squater ? ako?

“Sige. Sabi mo eh! Bakit ko nga ba ieexplain sayo. Kung sa simula pa lang hindi kanaman naniniwala.” Sabi ko sabay lapit ko sa kanya.

“Pero pag-sabihan mo yang babae nayan.  Oras na may marinig akong kung ano-ano. Mas malala pa mararanasan nya.” Pumunta na ko sa pwesto ko at kinuha ung mga gamit ko at lalabas na ng room.

“Ms. Valdez san ka pupunta? Magsisimula na ung klase!” sabi ng teacher ko nung nakalabas nako. Mukhang kakarating lang ata nya.

“Sa lugar na walang mga bwiset!” Sigaw ko. Narinig ko naman ung mga comment ng mga kaklase ko sa sinabi ko.

“How rude! “

”Wala basyang manners?”

”Hindi ata tinuruan!”

-----------------------------------------------------------------------------------------------

“Oh. Himala ba to? Si leader andito!” Sigaw ni Kev.

“Tigilan mo nga ko kev.” Sabi ko sa kanya. Si kev. Isa sa mga kaGangmate ko.

“Sino ba bago nating uupakan?” Tanong nya.

“Wala. Tambay nalang tayo.” Utos ko.

“OH. Mga pre tambay muna daw tayo sabi ni leader!” Sigaw nya sa mga kasamahan namin.

Andito kami ngayon. Sa tapat ng 7eleven. Nag-uubos ng oras. Minsan umaabot kami ng hating gabi dito ng walang ginagawa. Tambay lang. Pero madalas may binubugbog kami dito. Medyo malalim na ung gabi. Alas-otso na. pero wala padin akong balak umuwi.

“AHHHHHHHHH. HELP! HELP!” may narinig akong sigaw ng babae. Tumayo ako at hinanap ko kung saan yon.

“Tara. Upakan na natin” Sabi ko sa mga kagangmate ko.

“Buti naman ng may magawa kami” sabi ni kev. Naboring siguro kanina.

“Pre!” Sabi ko don sa lalaking minamanyakan ung babae.

”Wag kang mangilam dito!” Sigaw nya.

“Okay!” Sabi ko. Sabay sipa sa likod nya. Nabitawan nya ung babae na kagad naman nilapitan ng iba kong kasamahan. Hinawakan ni kev at iba kong kasamahan ung manyak na lalaki at ako. Simple lang naman ang ginawa ko.

Sinipa ko lang naman ung something nya kaya napaluhod sya sa sahig. Hawak padin sya nila kev. Sinapak ko sya ng sinapak at sinapak ! nakakagigil talaga ung mga lalaki! Bwiset!

“Leader. Tama na! Wala na oh. Hindi na nalaban!” Sigaw ni kev. Tsaka ko lang hininto. Lumapit sakin ung babae na kaninang minamanyakan.

“Salamat. Ms.”  Sabi nung babae. Don ko lang nakita ung suot nya. Sobrang ikli ng short.  Tapos kitang kita na ung bra nya sa sobrang nipis ng damit. Anong klaseng damit yan.

“Sasusunod. Wag kang magsusuot ng ganyan kung ayaw mong manyakin” umalis na ko pagkatapos non at pupuntahan ko pa si Athena.

=========================================================

 ATHENA’S POV.

“Guys. Tingnan nyo oh si freya!” Sigaw ni ranz. Andito na naman ang chicser pero ayos lang nakakasama ko naman sya eh!

“Sanay na sanay na talaga sya no?” Sabi ni ully sakin.

“Oo.” Sabi ko lang.  Sanay na sanay na talaga sya. Masaya na ko na nabago ko sya. Pero nakakamiss din ang dating freya.  Ung freya na walang inatupag ay puro pag-aaral. Ung freya na kahit masama ang pakiramdam pumapasok at ung freya na iwas sa gulo. Ung freya na masayahin. Hay freyaaa ..

“Salamat pala ully. Tinulungan mo ko” Sabi ko sa kanya.

“Ha. Parasaan?”

“Tinulungan moko. Namabago si freya!” Oo. Tinulungan nya ko. Sya ang dating leader ng gang ni freya ngayon. Inutos nya sa mga kagangmate nya na turuan si freya kung paano makipag-away! Paano lumaban mag-isa. hanggang sa pinasa na ni ully ke freya ung salitang LEADER!

“Ah. Yun ba. Wala yun. Pero iba na talaga sya no?” Sabi nya. Oo ibang-iba talaga. Naalala ko tuloy ung araw nayun.

FLASH BACK*

“Tahan na freya!” andito ngayon si freya sa bahay at dito nag-iiyak!

”Akala ko. Mabait sya! Pero hindi pala!”  sabi nya habang umiiyak padin.

“FREYAA.. “ hay. Nako. Hindi ko alam kung paano ko sya papatahanin. Sanay nako na laging syang umiiyak. Dahil lagi syang tinutukso, inaasar, pero ung salitang PAHIYAIN ka at ang may gawa eh ung taong minamahal mo. Masakit talaga yon.

“Gusto mo ba na hindi kana asarin, tuksuhin at pahiyain?” Yon lang ang naisip kong paraan para mawala na yung mga dahilan ng pag-iyak nya

“Oo. Gusto ko Athena! Gusto ko!” Sagot nya habang umiiyak!

END OF FLASHBACK

Nabago ko si freya. Inayusan ko sya. Pinapagamit ko na sya ng contact lens, at pinagamit ng kung ano-anong beauty product. And boom! Ilang buwan lang ang lumipas. Wala na ung freya na puro pimples. Wala na ung freya na laging may suot na salamin. Hindi nadin sya nag-susuot ng braces. At ang buhok nya. Hindi na ung laging side by side na trintas.  Isa na itong mahaba at malambot na buhok. Ang ganda na ni freya.

“Athena.” Don ko lang napansin na nasa harap ko na si freya. Tapos na siguro nyang bugbugin yung manyak na lalaki.

“Asan na yung mga kasama mo” pag-tatanong ko.

“Pinauna ko na sila.” Seryosong sagot nya.  Pero pinagtataka ko lang kung bakit hindi nya pinagagamot ung kamay niya.

“Hi freya!” Sabi ni Owy. Namukhang ikinagulat ni freya.

“Hello” Sabi nya at tumayo kagad sya. Siguro don nya palang napansin na andito ung mga chicser.

“Alis nako Athena!” paalam nya na mukhang nagmamadali. Alam ko naman kung bakit. Dahil sa kanya.

“May nararamdaman pa siguro sya” Sabi ni ully.

“Tingin ko nga!” nakangiti kong sabi.

PROPERTY OF TRYNEWTHINGS

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N : Comment like and vote po kayo :))))

UNTOLD FEELiNGS - CHICSER FANFICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon