Chapter 7

101 4 6
                                    

Christian's POV

Saturday. June 16, 2012. Since walang pasok ngayon, nandito ang lahat ng members ng band sa bahay ko. May extra room kasi dito sa amin, naisipan ko na lang gawing music room, tutal wala naman ring gagamit nun.

3 hours had passed pero wala parin kaming nagagawa. Paano ba naman kasi si Ma, nag-order pa ng 2 boxes ng Yellow Cab. Yan tuloy, kain lang ng kain 'tong mga 'to.

"Alam niyo mga tropapips, imbis na kain kayo ng kain dyan." Isinara ni Ethan yung box ng pizza sabay kuha ng pizza na hawak ni Jake tapos bigla niyang kinain. "Mag-isip na lang tayo ng band name." ngumunguya niya pang sabi.

"Pero sana hindi mo kinuha yung pagkain ko." Jake. Sumimangot siya kay Ethan tapos itinaas yung middle finger niya.

Pinitik ko yung kamay ni Jake. "Tigil niyo na nga yan." nga pala, magkasundo na kami ngayon. Parang nakalimutan niya na nga yung nangyari dati.

"Mag-isip na kasi tayo!" Parang batang sinabi ni Ethan.

"Wala ba kayong band name dati? Tumutugtog din kayo nun diba?" Me.

"Wala. Tumutugtog kami dati kaso kasama kami nun sa performing club. Ngayon, individual na tayo kaya kailangan na ng band name." Anthony. 

"Ah. Dali na. Pagtapos na lang natin mag-isip, kaagad tayo magpractice." Tumahimik sila pagkasabi ko nito. Nakakatawa yung mga mukha nila, halatang halatang nag-iisip. 

After 30 minutes, nagsalita na si Mark. "Wala akong maisip. 2ne1 na nga lang" binatukan siya ni Anthony na katabi niya lang.

Nakisakay naman sa trip niya si Ethan "Oo nga. 5 naman tayo e! Tapos kantahin na lang natin yung..." napatigil siya tapos tumayo. Nagulat kaming lahat ng sumayaw siya at kumanta. "I want nobody nobody but you." Tumayo naman si Mark tapos sinabayan siya. Tawa lang kami ng tawa ngayon.

"Mga ugak, kayo mag-isa sumayaw ng ganyan sa assembly ha!" tumatawang sabi ni Jake.

"Sa harap na buong campus yun!" sabi ko tapos nag-apir kami ni Jake.

"Oo nga." Anthony habang tumatawa. "Pero mag-isip na kasi kayo ng matino."

Naisipan na lang namin na isulat sa papel lahat ng naisip namin na band name tapos boboto na lang kami. After one hour, natapos na rin kami. Eto mga nakasulat.

Shades of Gray

Clueless

High Five

Walk the Moon

Not like Strangers

Drive by

Inner Soul

Comfort Zone

Saving Lives

Waddup Dope

Illuminati

Better than the Usual

All that we Have Left

 Yes, one hour na lumipas pero yan palang yung mga naisip namin. Ni isa kasi sa amin, hindi magaling sa ganito. Kaya please, kung sino man magaling dyan. Tulungan niyo kaming pumili ng band name, may libreng kiss galing sa amin lahat. PROMISE!

At dahil wala na talaga kaming maisip, nag-ayos na lang kami ng mga instrument at nagpractice. July 16 na kasi kami magpe-perform, exactly one month from now.  Do you know what that means? THAT MEANS WE HAVE TO RUSH THINGS. Kailangan makapagpractice na kami. Kailangan pa naming mamemorize ang lines and chords ng song na kakantahin namin. And kasama na din sa one month na yun ang pagrereview namin sa Quarterly Exams namin. Next next week na kasi yung exams at kailangan makapasa kami para hindi kami magcommunity service.

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon