First Song

575 12 15
                                    

"Dahil Mahal na Mahal Kita" by Roselle Nava (but I prefer Vice Ganda's version)

Margaux

Ang sakit magmahal, ang buhay ko ay parang yung kantang 'Dahil Mahal na Mahal Kita'.

Ang sakit, pero gagawin ko lahat para sa kanya. Bakit? Dahil mahal ko siya. Mahal na Mahal!

(Pakinggan niyo na ho yung song dito sa part na to)

Nandito ako sa mall ngayon, nag grocery at naglilibot na rin.

May nakita akong pamilyar na pigura. May kaakbay siyang babae. Siya nga, tama ang hinala ko.

**Kahit na nagmumukhang tanga

Kahit na sinasaktan ako

Umiiyak ako dahil sa 'yo

Napapikit ako ng halikan niya sa labi yung babaeng kaakbay niya kanina.

Heto pa rin ako

Halos baliw sa 'yo

Umalis na ako doon sa lugar na yon, at naglakad lakad nalang. Yung lalaking yon, siya si Aiden, boyfriend ko. Kahit ganun siya, tinatanggap ko parin siya. Mahal ko ee.

**Kahit na (kahit na)

Niloloko mo lang ako (niloloko mo ako)

Everyday may ibang babae siyang kasama pero di ko yun pinapansin. Martyr na kung martyr, pero mas masasaktan ako kung iiwanan niya ako.

**Kahit na tumingin ka sa iba

Magmahal ka ng iba

Magbubulag-bulagan ako

Masakit man ito dito sa puso ko

Saktong paglabas ko ng department store nakasalubong ko si Aiden.

"Oh hey babe. Pahingi nga ng pera, may bibilhin lang ako" aniya. Ganito siya kabait kapag may kailangan siya.

"Sorry Aiden. Wala pa akong pera. Nag grocery kasi ako ee." biglang nag iba yung mood niya at biglang sumigaw.

"Peste naman o! Walang kang kwenta!" sigaw niya saakin.

Chorus:

**Dahil mahal... mahal na mahal kita

(dahil mahal na mahal kita)

Dahil sa sigaw niya, maraming tumingin saamin at nagbulong-bulongan. Hinila niya ako palabas ng mall. Masakit yung pagkahawak niya pero hindi ko yon ininda. Gusto kong maiyak pero baka magalit siya lalo.

Binitawan niya ako pag kalabas namin. Pinipigilan ko paring maiyak. Ayaw kong makita niya akong mahina.

Masamang tingin ang ipinukol niya saakin pero hindi siya nag sasalita.

" Sino yung babaeng kasama mo kanina?" Ako na ang unang nagsalita dahil mukhang wala siyang balak gawin yon

"Ano bang paki mo, nanghihingi lang ako ng pera andami pang satsat!" sigaw niya

"Bakit ganyan ka magsalita? Sabi mo mahal mo ako pero bakit ganito ang trato mo sakin?" sumbat ko

"Ang drama mo! Anong mahal? Pinag pustahan ka lang namin ng mga kaibigan ko! Walang mahal mahal saakin!" bulyaw niya na natatawa pa. At sa sinabi niyang yon, biglang may tumulo na kung ano galing sa mata ko.

**Hindi ako matatakot, mahihiya

Anuman ang sabihin nila

Ang dami ng nakatingin saamin pero wala akong pakialam. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko pero bakit ganun? Mahal ko pa rin siya.

**Dahil mahal kita

Dahil mahal... mahal na mahal kita

(dahil mahal na mahal kita)

Lumapit ako sakanya at yinakap siya pero tinulak niya lang ako dahilan upang mapaupo ako sa sahig.Napahagulgol na ako.

Minahal ko siya higit pa sa buhay ko. Binigay ko lahat ng gusto niya kahit labag sa kalooban ko. Ganun ko siya kamahal.

Pero ang masaklap hindi niya ito nasuklian. Kahit anong panloloko ang ginagawa niya saakin, tinatanggap ko pa rin siya.

"Bakit ka ba nagtitiis saakin?! Iwanan mo na nga ako! Hindi kita kailangan! Pera lang habol ko sayo!" maya-mayat bulyaw niya. Napa ngiti ako ng mapait. Bakit nga ba hindi ko pa siya iwanan?

**Gagawin ko ang lahat

Pangako mo lang 'di ako iiwan

"Isang dahilan lang naman ang meron ako ee. Dahil mahal na mahal kita! Ayokong iwan mo ko! Mahal na mahal kita!" at tuluyan ng naglabasan ang mga luha ko.

"Tang*na! Ang drama mong babae ka. Kung wala kang perang ibibigay, sabihin mo na lang! Andami dami pang satsat!" sigaw niya. Tinulak niya pa ako bago tuluyang umalis. Hindi ako makatayo dahil sa sakit na nararamdaman ko. Humagulgol na lang ako sa sahig habang nag uunahan ang mga luha ko sa pag patak.

Naramdaman kong may lumapit saakin. Isang lalaki pero hindi ko siya kilala.

"Ayos ka lang ba miss?" tanong niya at lumuhod pa sa harap ko para mapantayan ang mukha ko.

Wala sa sariling napayakap ako sa kanya at doon na tuluyang umiyak ng umiyak na parang bata.

**Dahil mahal (dahil mahal kita)

Mahal na mahal kita

____________

Grabeng story! Hangbigaaaat! Dedicated sayo ate dahil ang story mo ang pinaka magandang story'ng nabasa ko sa wattpad :)

Vote and Comment guys! Thank you! ^____^

One Shot Song/StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon