Chapter Ten

192K 4.1K 3.6K
                                    

Chapter Ten


Isang linggo na ang nakalipas simula nung magsinungaling ako kay Lourd. Isang linggo na rin akong nakatira ulit sa bahay ng mga magulang ko. They were too shaken up dahil sa ginawa ni Nico sa akin. They felt like the safest place on earth for me is our home. I complied because mom pleaded. So tiniis ko na lang na araw-araw kong nakikita si Dad.

It's not much of a hardship dahil palaging nasa office si Dad. Masyadong busy tumulong sa bayan. Hindi man lang maayos ang sarili niyang pamilya. Hindi niya muna ayusin ang sarili niya.

Humupa na ang gulo at tsismis sa school. For that, I am thankful for Lourd. Hindi niya ako iniwan kahit may tension between us. He kept his promise at never akong nag-isa sa school premises. Hatid-sundo niya ako araw-araw.

Sobrang thankful ako. Pero sa bawat oras na magkasama kami everyday, lalong napapatunyan na walang ibang lalaki sa buhay ko. Ni wala ngang lalaking nakakalapit sa akin dahil sa kanya.

Good thing about it, hindi niya ako inaasar.

Bad thing is, hindi niya rin ako masyadong kinakakausap.

Which is a good thing naman talaga. Really. Hindi lang ako sanay. Maybe he's gloating inside at hinihintay niya lang na umamin ako sa kanya na walang bagong lalaki sa buhay ko.

Not a chance in hell.

So when I had the chance na tumakas, I grabbed it. Hinatid niya ako sa classroom ko at nagbilin na hintayin siyang bumalik bago ako lumipat ng classroom. Ganun ang set-up namin. Hindi naman ako nali-late kasi napapakiusapan niya yung professors niya na umalis 10 minutes before dismissal. Alam din kasi nila yung issue with Nico.

Pagkaalis ni Lourd, doon na ako tumakas at pumunta ng Botanical Garden. Hoping against hope na nandoon ang hinahanap ko. What are the odds, right? He just stumbled upon my hiding place when he was running away from his fan girls.

"Hi, Daphne!"

I screamed. Mitchell covered my mouth with his hands. "Sorry!" he whispered. Tumango ako at binitawan niya na ako.

"You scared me again," sabi ko sa kanya bago maupo sa damuhan. Lagi na lang akong nanlalambot sa takot dahil sa kanya.

Umupo siya sa tapat ko. "Sorry! Masyado akong na-excite nung nakita kita," he said with a cheeky grin.

Napailing na lang ako. "Bakit nandito ka ulit? Nagtatago ka?"

He nodded. "Yeah. Napapaisip nga ako na baka bad idea ang pagpasok ko dito sa uni."

Nanlaki ang mga mata ko. Oh my God! Dito siya nag-aaral?

Mukhang basa sa mukha ko ang nasa isip ko dahil natawa siya at sumagot. "Yeah. Kakalipat ko lang dito. Di ko ine-expect na pareha lang din pala dito at sa dati kong school."

"I see. Pinagkalaguluhan ka pa rin," I concluded.

Ngumiti siya. "Ikaw? What are you doing here? May tinatakasan ka din?" he asked.

Tumango ako. Oo, meron. Isang persistent guy.

"Oh. I thought you were here for me." Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya na parang nang-aasar.

Inirapan ko siya. Sasabihin ko na ba sa kanya ang mga plano ko? Paano kung hindi siya pumayag?

"Mukhang malalim ang iniisip mo," he said.

Tumango ulit ako at umiwas ng tingin. I better tell him na. It's better if I just get this over with.

"I need you to pretend as my boyfriend," I blurted out all of a sudden.

Forgetting My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon