Chapter 1: Beast; Chapter 2: I meet again the beautiful beast

5.6K 66 17
                                    

Chapter 1: Beast


"You should learn how to respect a lady," mariin kong sabi sa lalaking inapakan ko ang dibdib. Nakahandusay na siya sa lupa. He deserved my punches. I didn't know why there are people as rude as this guy! Darn, he dared touched my butt!

I clenched my fist. I can't control my anger. I want to beat the hell out of him!

"T-tama na! Pinagsisisihan ko na! Pinagsisisihan ko na kaya parang awa mo na! Hindi ko na uulitin!" The guy was screaming lunatically. What a creature! I wanted to break his bone but I decided not to. Bukod sa masasayang ang oras ko sa isang ito ay marami na ang taong nanunuod. I hissed then walked away from him.

I gave my piercing look at the people gossiping because of what happened.

"Akala mo ba ganoon lang kadali ang ginawa mo? Humanda ka!"

I should have known that I should never turn my back to enemies. Ang mga taong katulad niya ay hindi dapat hinahayaang maligtas. When I faced the guy, he was ready to punched me when I easily dodged it then immediately went to his back. Siniko ko siya sa may bandang batok at muli na naman siyang bumagsak sa lupa.

Nagpagpag ako ng kamay. Walang kahirap hirap na patumbahin ang isang ito. Naglakad na ulit ako patungong school. I checked my watch then sighed. I hope I can make it on time dahil kung hindi ay male-late na naman ako sa school. That teacher surely wanted to detain me this time for giving her another head ache. Inisip kong mainit lang talaga ang dugo sa akin ni Ms. Velasco kaya lahat na lang ng masasamang bagay ay napapansin niya sa akin. I wonder why?

"Whoa! That was cool!" A boy was looking at me with his amazed eyes. Napatigil ako sa harap niya. He's with his mom but she immediately grabbed her son.

"Tara na, hindi magandang makipagkaibigan sa taong iyan."

Nakita ko ang pagkalungkot sa mata ng bata habang sumusunod sa kanyang ina na pilit siyang kinakaladkad. The boy is still looking at me. It looks like he wanted to approach me pero hindi niya magawa dahil ayaw ng kanyang ina.

Shoot! I forgot my 9 o'clock class! Tinakbo ko na ang natitirang oras hanggang sa makarating ako sa school. Halos wala ng mga estudyante pagkapasok ko ng gate. I am so sure that they are on their classroom now.

Tinahak ko ang main building ng Shoriken High. Hindi na tumunog ang bell, it only meant one thing... Kanina pa ito tumunog kaya nagsisimula na ang klase ngayon.

Nasa second floor na ako. That rude guy! Kung hindi dahil sa pambabastos niya sa akin kanina ay baka hindi ko siya pinatulan. Kasalanan niya kung bakit ako na-late ngayon! I swear to all the Saint's out there that he would pay if ever I saw him again. Wala naman kwenta ang buhay ng mga lalaking tumatambay lang at nambabastos ng babae kaya bakit hindi na lang sila magpakamatay?

Hinabol ko ang aking hininga sa sobrang pagod. Ang layo na rin ng tinakbo ko hanggang dito sa third floor. I made it here but too bad, just not on time.

"Well congratulations, Ms. Tyra Park! You are one of the students who will be detained later after class!" sarkastikong sambit ng English teacher namin na si Ms. Velasco. Oh, I hate her!

Hindi ko siya inimikan at nagtungo na lang sa aking silya na walang nangahas tumabi. Subukan lang nilang tumabi sa akin I will surely kill them! I hate nosy kids!

"It was only five days since school has started but you never came on time. Compare to other schools, Shoriken High is the only school here that will start at nine in the morning. Others start at 7 or 8," dagdag niya.

I rolled my eyes at her.

"Just start the lesson, will you? I had a bad time knocking someone so if you don't mind." She gritted her teeth so I smirked as a sign of victory. Did I just say, victory? I forgot I will be detained as my punishment for being late five days in a row since school has started.

Saranghae to the 10th PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon