Synopsis

3.3K 40 19
                                    

Si Victor ay isang ulila. Maaga siyang nabyudo at pati anak na pinakamamahal ay maaga ring kinuha sa kanya. Pero ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay ay hindi naging rason upang mawala ang kabutihan sa kanyang puso. Nanatili siyang masayahin at matulungin sa kapwa, at ang ngiti sa kanyang mga labi ay hindi nawala. Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay mababanaag pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata at ang kanyang puso ay lihim pa ring umaasam ng tunay na kaligayahan...

Si Angel naman ay isang anghel. Literal na anghel na naligaw ng landas at naging isang fallen angel na nambibiktima ng mga kaluluwa ng mga tao. Nasa kasagsagan siya ng paghahanap ng panghuling kaluluwang mabibiktima nang makilala niya si Victor. Ito ang naging dahilan upang manumbalik ang kanyang pananampalataya. Pinili niyang magsakripisyo para mailigtas ito at upang makabalik na rin siya sa pagiging isang anghel. Pero ang hindi niya inaasahan ay nang muling magmulat siya ng mga mata ay nasa loob na siya ng katawan ng isang mortal na babae. Ano'ng ibig sabihin nito? May misyon ba siyang dapat gawin?

Si Angel at Victor...

Dalawang nilalang na ipinagtagpo...

Isang anghel na naghahanap ng daan pabalik at isang taong naghahanap ng kaligayahan...

Matagpuan kaya nila ang kanilang hinahanap?

Sa tulong ng isa't-isa?

Sa tamang panahon?

At sa isang hiram na pagkakataon?

*******

Wattpad Writing Battle of The Year 2014 Final Round Winner.

Published under LIFEBOOKS.

Thank you for reading and supporting this story.

This is the continuation of my oneshot, ASTRAY and its sidestory is my oneshot, THE GUIDE. You can also read them if you want. They are under my oneshot compilation, FLIGHT OF DREAMS.

Thank you!

Awesome Trailer by @AmberZelin

Borrowed Chance (Published under Lifebooks)Where stories live. Discover now