Group Message (GM)

315K 6.6K 3.2K
                                    

*beep*

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa maliit na mesang malapit sa aking kama kung saan ito nakapatong. Nahiga ulit ako sa 'king kama at sinimulang i-unlock ang keypad ng cellphone ko. May isa akong mensahe. Binuksan ko ito at nakita ko na naman ang pangalan niya sa Inbox ko sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.

From: Lovely

Gud Morneeeng pipoletz!

Have a LOVELY day lyk ME! Lol.

I love u! Naks! ^__^ -gm

Napabuntong-hininga na lang ako nang mabasa ko ang text niya. Ibinalik ko na lang ulit ang cellphone ko sa pinagkuhanan ko kanina . Psh! Matutuwa pa sana ako sa ‘I love you’ niya kaya lang GM na naman! Hindi lilipas ang araw na hindi ako makakatanggap ng GM mula sa kanya. Dalawang taon na rin akong nagtitiis sa mga GMs niya na hanggang ngayon nama’y hindi pa rin ako masanay-sanay.

Kapag may load ˋyan, oras-oras idyi-GM niyan ang mga pangyayari sa buhay niya. Magmula sa kanyang pagligo, pagkain, pagku-kwento ng mga napanood o nakita niya pati ˋyong tipong dapat siya na lang ang nakakaalam kasi wala naman kaming pakialam do’n, idyi-GM pa niyan ng pagkakahaba-haba! Kulang na lang, isulat ko ˋyong talambuhay niya!

Minsan nakakainis na rin to the point na gusto ko na siyang kausapin at sigawang “Pwede ba? Tama na? Nakakasawa na!” pero siyempre hanggang sa isip ko na lang ˋyon kasi hindi ko naman kayang gawin ˋyon!

“Dex! Bangon na diyan! Male-late ka na sa school,” sigaw ni Ma sa tapat ng pinto ng kwarto ko.

“Opo, Ma!” sagot ko na lang dito.

Dali-dali na 'kong nag-ayos ng sarili ko at inihanda ang mga gamit ko bago ako pumasok ng school.

Palabas na 'ko ng gate nang mag-beep na naman ang phone ko. Alam kong si Lovely na naman 'to! Kahit naiinis ako sa palagi niyang pagdyi-GM, hindi ko pa rin maiwasang tingnan agad ang phone ko para mabasa ang GM niya. Naku-curious ako eh!

 

From: Lovely

*yawn* Napaaga ata pasok q?

Wala p ung mahal q!

Kalungqt! =( -gm

Psh! Pakialam ko naman sa mahal niya? Kung ako sana 'yong mahal niya eh 'di sana masaya siya ngayon! Kung bakit ba naman kasi sa tuwing may GM siya na tungkol doon sa taong mahal niya, doon ako masyadong apektado?

Siguro, kaya ako nagkakaganito, nasasaktan lang akong malaman na may mahal na siya at hindi AKO 'yon! Ang nakakaasar pa dito, dalawang taon na rin akong nakakatanggap ng GM na may kinalaman sa mahal niya pero ni hindi ko man lang nakikita ni anino n’ong mahal niyang 'yon? Hindi naman pwedeng gawa-gawa lang niya 'yon kasi sa tuwing nakikita ko siya halata sa mga mata niya na ‘in love’ siya. Ang swerte naman ng lalaking 'yon!

Sa lalim ng iniisip ko, nakarating na pala 'kong school nang hindi ko namamalayan.

Group Message (GM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon