The Mafia's Nightingale

25.6K 274 30
                                    










"Make sure na wala na ulit umaaligid sa kanyang lalaki. Kill those bastards for all I care," utos ng lalaki habang hindi tinatapunan ng tingin ang alagad 'nya. Yumuko ito at umalis na.





Napasandal na lamang ito sa swivel chair niya at malalim na bumuntong hininga. Gusto na niyang makita ang dalaga, hinahanap nito ang presensya ng dalaga. Naramdaman na naman niya ang mabilis na tibok ng puso niya ng maalala ang maamong mukha ng dalaga, ito ang kauna-unahang beses na nakaramdaman siya ng ganito.... nakakabaliw.





Napaayos ito ng upo ng may kumatok, bumukas iyon at tumambad ang best friend niyang si Leonardo Fregar o mas kilala bilang Leon. "Hey, buddy! Excited ka na ba bukas? Yieeeee, makikita mo na ulit siya!" he groaned when Leon teased him. Tumingin ito ng masama sa kaibigan.





"Shut up, Leon," inis nitong sambit, napatawa na lamang ang kaibigan.





"Damn, the demon Vincent Gunner Hugo is crazily smitten over an angel!"














"Come back here!" sigaw ng isang lalaki habang hinahabol ang isang dalaga. "Bumalik ka dito! Baby, don't worry hindi kita sasaktan!" parang baliw na sigaw ulit ng lalaki.





Pumasok sa isang eskinita ang babae habang tumatakas sa isa sa mga stalkers nito. Hindi na nito alam kung nasaan siya basta ang mahalaga ay makatakas siya sa stalker na ito.





Nakailang mura na ba sa isip ang babae? Hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari ito! Ilang beses na ba ito?! Pang-ilang lalaki na ba ito?! Wala siyang ginagawang masama!





"HAHAHAHA! BABY YOU AIN'T GOING ANYWHERE!" nakakalokong sabi ng lalaki ng makalapit ito babae, akmang hahawakan nito ang braso ng babae ng biglang may pumutok na baril kaya agad na napaupo ang babae.





Bumalagta sa harapan ng babae ang walang buhay na katawan ng lalaki na kanina pa humahabol sa kaniya. Nanghina ang mga binti nito at tuluyan ng napaupo sa sahig. Nanlalaking matang nakatingin siya sa lalaki, may butas ito sa noo!





Ngayon niya lang din naramdaman ang panghihina ng katawan niya at sobrang sakit ng ulo niya na unti-unting dumidilim ang paligid niya. Bago tuluyang mahimatay ay naramdaman niyang may bumuhat sa kanya. Gusto niyang magpumiglas pero wala na talagang lakas ang katawan niya kaya hinayaan na lang niya ang estranghero.








"You're safe now, my love,"

Mafioso Obsession: The NightingleWhere stories live. Discover now