Paghihintay

16.2K 645 141
                                    


PAGHIHINTAY.


Hindi na naman siya dumating.


Ano bang bago. Ilang beses ko na siyang hinihintay. Pero wala, hindi pa rin talaga ko uubra.


Minsan naiisip ko ng tumigil eh. Wala naman akong napapala. Alam niyo yung nakakapagod din minsan? Pero wala. Mahal ko talaga eh. May kakaiba sa kanya na hindi ko mabitawan. Pakshet yan oh.


Makalamon na nga lang.


Pagpasok ko sa McDo halos wala ng bakanteng table, bwisit yan. Kung kelan gutom na gutom na ko eh. Pero may nasulyapan, (yes nasulyapan na napunta sa titig) akong babae na magisa sa isang table na pang-dalawang tao.


Pakapalan na 'to ng mukha.


Gwapo naman daw ako sabi ng mga kaibigan ko kapag nagpapalibre sila. Kaya naglakas na ko ng loob na makitable. Ngumiti naman siya at tumango.


Grabe ang ganda niya lang.


Pero naalala ko, mas maganda siya.. Hay nako. Di ka nga sinipot eh, kumain ka na lang kasama ni miss beautiful.


"Bakit magisa ka lang?" Tanong ko. Masyado kasing tahimik, ang awkward lang.


"Ah, wala lang. Masaya naman ako na magisa lang."


"Hindi kaya. Mas masaya kapag may kasama ka." Sabi ko. Ngumiti lang naman siya at bumalik sa binabasa niyang libro. Nagbabasa kasi siya at ang konti lang ng kinakain. Fries lang at float. Samantalang ako, large fries, bigmac tapos may chicken pa. Tapos Sundae Duo chaka large coke.


"Kaen ka pa." Inabot ko sa kanya yung bigmac ko kahit labag sa loob ko yun. Paborito ko yun eh.


"Kulang pa yata yan sayo, nakakahiya naman. Sige na. Sayo na." Binalik niya sa akin tapos sinawsaw niya yung fries niya sa sundae ng float niya.


Ang cute.


"Eto na lang. Sayang yung sundae ng float mo eh." Yung sundae duo ko na lang yung inabot ko sa kanya. Finally di naman siya tumanggi. Dun na niya sinawsaw yung fries. Pati ako nakisawsaw na rin.


"Ikaw, ba't magisa ka?"


"Ah, hindi ako sinipot ng hinihintay ko eh." Tumango lang naman siya at ngumiti.


"Kawawa ka naman pala." Di ko alam kung naawa talaga siya o nang-aasar eh.


"Di rin. Sanay na ako."


"Di ka ba nagsasawa?" Tanong niya habang tuloy-tuloy lang sa pagubos ng fries niya. Nilapit ko naman yung fries ko kasi baka maubusan siya eh.

Paghihintay (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon