Goodbyes (In Filipino Language)

327 5 5
                                    

Nagising na lang ako sa mainit na temperature. Sobrang init! Para akong nilalaga! Dumilat ako, napakaliwanag naman dito sa loob ng bahay namin!

"Ano ba naman yan, hindi pa napatay ni mama yung ilaw," sabi ko sa sarili ko.

Nagpunta kasi sila mama at papa sa isang convention sa Naga City, Camarines Sur. Kaninang tulog ako, umalis sila, siguro.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi ko lang, 23 new messages, lahat GM lang... tsk... Time check, 12:09 AM. February naman ngayon ahh.. tapos hating gabi pa..umaandar naman yung electric fan, bakit ang init?

Bumangon ako at pumunta sa pintuan ng kwarto ko. Nang mahawakan ko ang door knob, napakainit! Bagong heat lang? Inikot ko ang door knob at ako'y napatulala.

"Hindi," pabulong kong sinabi.

Tumambad sakin ang nagngangalit na apoy, mula sa stove namin. Sinara ko bigla ang pinto namin at napaupo na lamang at umiyak.

"Mamamatay na ba ako?" tanong ko sa sarili ko.

"Lord, tulong naman po," sabi ko.

Dinampot ko ang cellphone ko sa kama at tinext sila mama.

Ma! Nasusunog po yung bahay! Tulong!

Send. Pamaya-maya, may nadinig akong nag-ring sa gawing sala. HINAYUPAK NA BUHAY ITO! Initsa ko ang cellphone ko sa kama at nagmukmok sa isang tabi.

"Teka, double check ko nga lang," sabi ko sa sarili ko.

Binuksan ko ulit ang pintuan at unti-unti na itong lumalapit sakin. Tumingin ako sa gawing kaliwa ko-kasi may daanan kami papunta sa bakuran namin sa gawing left ng kwarto ko-nilalamon na din ng apoy. Wala na talaga akong kawala.

Sinara ko muli ang pinto at nagmukmok na lang ulit sa tabi. Hindi naman ako makakalabas sa bintana kasi may rehas. Tsk. Paalam na talaga sakin.

Nadinig ko ang cellphone ko na nagring, kaso message lang yon. Tumayo ako at dahan-dahan akong lumapit sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at mula sa crush ko ang  message. Umupo ako sa kama ko at binasa ang message niya.

Ohayo gozaimasu~!

Kumusta na ba kayo? Tara text muna tayo!!

GM...

#ILoveYou :*

Bigla ko siyang tinawagan, mga dalawang beses nag-ring tapos sinagot niya.

"Hello?" sabi niya.

"Hello," sagot ko.

"Oh, bakit bigla kang napatawag?" tanong niya.

"May-mahalaga lang akong sasabihin sayo," sagot ko.

"Ano yun?" sabi niya.

 Medyo nag-alangan pa akong sabihin sa kanya. Mamamatay din naman ako! Hayaan mo na nga!

Huminga ako ng malalim, "Claire, may gusto ako sa'yo," medyo mahina ko nang sabi.

Hindi siya nakapagsalita ng ilang minuto. Napaluha na lang ulit ako.

"T-Teka, bakit mo sinasabi iyan?" tanong niya.

"M-Mamamatay na kasi ako ngayon," sagot ko.

"H-Ha? Nababaliw ka na ba?" tanong niya.

"Lumabas ka sa inyo at tumingin ka sa bahay namin," sabi ko.

"S-Sige," sabi niya.

Mga ilang minuto din ang lumipas...

"Paul! Tatawag na ako ng bumbero!" sabi niya.

"Sige," pabulong na sabi ko.

Pinatay na niya ang cellphone niya. Kanino naman kaya ako magpapa-alam? Sa bestfriend ko, si Lolo Czar. Lolo lang tawag ko sa kanya kasi lolo ko siya sa FB. Dinial ko number niya. Naka-tatlong try ako bago niya ako sagutin.

"Bakit?" sabi niya.

"Bye, lolo, parang hindi na tayo magkikita ulit," sabi ko.

"Ha? Makapagsalita ka, para ka nang mamamatay ahh," sabi niya na medyo may kaunting tawa pa.

"Oo nga, mamamatay na ako," sabi ko.

"Weh?" sabi niya.

"Oo nga, pakinggan mo background," sabi ko.

Medyo may nadidinig na nga akong hiyawan mula sa labas at pati sirena ng firetruck.

"Ay! Sunog! Sunog!" sigaw ng isa naming kapitbahay. Parang sa mga pelikula lang ahh..

Binalik ko ulit sa tenga ang cellphone, nararamdaman ko na ang unti-unting pagtaas ng room temperature.

"Baka naman sa kapitbahay niyo lang yun.." sabi niya.

"Hindi, dito nga samin," sagot ko.

"Ma-mimiss mo siguro ang bear hug ko sayo, hehehe," sabi ko.

Nadinig ko na sumisinghot na sya. Umiiyak? Siya? Bigla niyang pinatay ang cellphone niya. Unti-unti na din akong nawawalan ng boses.,,tsk..hindi na din ako makakasigaw..

Humiga na ako sa kama ko at natulog na lang at hinintay ang kamatayan..

"Paul? Paul! Gumising ka!" sigaw ng isang babae, Claire?

Ano ginagawa ni Claire dito? Buhay pa ba ako o patay?

"Apo! Magpakatatag ka!" Czar? Teka...

Sinubukan kong idilat ang aking mata at napakaliwanag ng kapaligiran. May naaaninag din ako na apat na ulo.

"Anak, salamat at buhay ka!" sabi ni mama.

Ngumiti ako ng bahagya. Nakita ko na ngumiti din si Czar at Claire, pati din si papa.

"Paul, watashi mo, anata o aishite," sabi ni Claire.

"Ha?" mahinang sabi ko.

"Mahal din kita, Paul, mahal na mahal!" sabi niya at bigla niya akong niyakap.

"Aray!" sigaw ko.

"Sorry!" bigla siyang napabitaw.

"Dude!" sabi ni lolo Czar sabay tapik sa balikat ko.

"Anak, sorry at naiwan naming nakabukas yung gas stove, nagka short circuit daw yung ilaw tapos sumabog, dun nagsimula ang sunog," sabi ni mama.

Tumango na lang ako. May panibago na naman akong buhay na bigay ng Diyos.

Compilations of One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon