Chapter 1- My Kuya

52.6K 638 99
                                    

Chapter 1

 

 

“Clarence masakit ba?”

“Oo kuya, dahan dahan lang- ARAY!!”

“Sorry Sorry, tiisin mo lang mamaya mawawala din yung sakit”

“Bilisan mo na-Ouch! Kasi kuya”

Ang sakit .. kala ko ba sandali lang ang sakit? Pero bakit parang hindi naman!! >.<

“ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!!! AYOKO NA KUYA!! AYAW!!” ang sakit!! Di ko na kaya!! Masyadong mahapdi eh :'(

“Hindi pa tapos! Bumalik ka nga dito, eh kung sana nung bata ka pa nagpabutas ng tenga edi sana hindi mo mararamdaman yung sakit”

“Eh kasalanan ko ba?! Sila Mommy may kasalanan! Mapagkamalan daw ba akong lalaki?” umupo na ako sa katapat niyang sofa. Ang sakit! Di ko kaya talaga! Isang tenga pa lang nabubutasan niya sobrang sigaw ko na eh, paano pa kaya pag dalawa na?

“Nanisi ka pa. Dali na lumapit ka na ulit dito para matapos ko na yan. Kelangan ko ng umalis at papasok pa ako sa trabaho” tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.

“Ayoko na kuya! Hindi mo ba nakikita dumudugo  na yung tenga ko ” tinukod niya yung mga kamay niya sa tuhod saka lumevel sa mukha ko.

“Sige, kiss na lang ni Kuya para gumaling kaagad” bago pa ako makapagsalita eh nakadikit na yung labi niya sa tenga ko.

Dubdub Dubdub

 

 

“Ayan, okay na?” bigla akong nabalik sa reyalidad.

“Ha-ha?! Ka-kadiri ka kuya! Ma-may dugo yung tenga ko tas kiniss mo?! Kadiri ka!” natawa na lang siya sa sinabi ko.

“Sus, lahat gagawin ko, kahit mukhang nakakadiri pa basta huwag ka lang masaktan.

 

 

 

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon