Happily Whatever After [My Anatomic Love Fanfic]

183 10 5
                                    

Dear Chabijean/@YourPrettiestFriend,

Sorry because this story cannot live up to your expectations! alam mo naman, bulok talaga ako sa One-Shots. hehehe~ sorry kung di ko man mabigyan ng justice ang bawat characters mo. anyway...

Osya, eto na. pasensya na sa fans ng My Anatomic Love kung di ko mabibigyan ng justice ang napakagandang storyang iyon.

Para din pala ito sa isa pang inspiration ko sa story na to. si Kuyang Pogi na naka-black na nakita ko sa SM San Pablo kaya nagkaroon ako ng idea para sa isang scene.

Osya, ang daldal ko. sorry! GAME ON!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HAPPILY WHATEVER AFTER

[YIN CHRYSCEL's POV]

"Ano ba, Jeremy. Itigil mo na nga yan. Pati ako nate-tense sayo, eh!"

Reklamo ko sabay tapik sa kamay nyang di mapakaling hampas ng hampas sa manibela habang nagda-drive sya.

Napatingin naman sakin ni Jeremy ng medyo masama tapos saka sya bumaling sa unahan ulit.

"Ano ka rin ba, Yin? Syempre, kinakabahan ako. Pano kung di ako magustuhan ng parents mo? Tsaka ng kuya at ate mo? Pano kung di nila matanggap ang relasyon naten? Ayoko ngang mahiwalay sayo, no."

Natawa naman ako. Halata kasi sa boses nya na kabadong-kabado sya. Oo, tama kayo. Papunta kami sa bahay namin kasi formal na naming ia-announce ang relasyon namin sa parents ko.

"Anong nakakatawa? Walang nakakatawa sa sitwasyon ko." Pasupladong sabi pa nya.

Imbis na maasar ako, natawa pa ko lalo sa kanya. "Adik ka talaga! Magugustuhan ka ng parents ko at mga kapatid ko, okay? Chill!"

Nakatingin ako sa kanya kaya nakita ko yung pag-inhale nya ng malakas. Tapos nagulat ako kasi yung kanang kamay nya humawak dun sa kaliwang kamay ko kaya napatitig ako sa kanya. Napangiti na lang ako pero sa loob-loob ko, kinikilig! Hahaha!

"Yan, relax lang."

"Basta kahit anong mangyari tatandaan mo lang na mahal na mahal kita, Yin."

"Oo na."

"Wala man lang bang 'I love you too' o 'mahal na mahal din kita?'"

"Ah.... Ha?"

"Wala! Ewan ko sayo."

Hihihi~ Tampo ang skeleton! "Sus! Tampo agad. Eto na... I love you too!"

"Hehehe. I love you, Yin."

Juskoooo! Gusto kong magkikiyaw at magtatalon sa kilig pero pigil na pigil ako. Syempre, konting poise naman, di ba? Hehehe. Kahit na halos madalas kaming nagsasabihan nyan, kinikilig pa din ako ng sobra!

Ayan na, lumiko na kami sa kanan. Meydo malapit na kami sa amin. Lumiko pa ulit sa kanan tapos diretso tapos liko sa kaliwa. Hindi din naman nagtagal ay nakarating din kami sa amin. Dun na lang nag-park ang kotse ni Jeremy sa tapat ng bahay namin. Puno na din kasi ang parking namin gawa nung sasakyan ni kuya, ate at papa.

Lumabas na kami sa kotse at napansin kong natigilan si Jeremy sa may tapat ng gate namin. "Oy, Jeremy. Tara na sa loob."

"Teka lang, humihinga pa ko."

Napahagikhik na naman ako saka sya nilapitan. Inayos ko yung kwelyo nya pati yung manggas ng polo nya. "Kahit na anong sabihin ng parents ko, o ni kuya, o ni ate, di naman magbabago na ikaw yung lalaking mahal ko, eh."

Happily Whatever After [My Anatomic Love Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon