Chapter 31: Can I court you?

201 7 3
                                    

Sa di kalayuan, may natanaw akong isang Bangka. Wag nyong sabihin na sasakay ako diyan? Papahirapan pa talaga ako no?  Tapos biglang binasag ni kuya ang katahimikan.

“Tara na po.” Tapos naglakad na siya papunta sa direksyon ng bangka. Mukhang mapapasabak ako neto.

Umupo na si Kuyang driver sa isang dulo ng Bangka at tinawag na ako. Lumapit ako sa Bangka at umupo na rin sa kabilang dulo ng Bangka so magkaharap na kami ngayon. Binuksan niya ang ilaw na dala niya at nagsimula nang magsagwan.

“San po tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya. Nanatiling tahimik si Kuya. Tumingin ako sa paligid, madilim maliban sa ilaw na kakabukas lang ni Kuya at parang tumutingin ako ngayon sa kawalan. At ang amoy...HMMMM. Ang alat!

Sa di kalayuan na naman, nakakita ako ng liwanag, sobrang liwanag. Tapos may mga silhouette ng mga coconut trees din akong nakita. Isla?

Lumapit kami doon, parang may naaninag pa nga akong isang malaking itim na bagay. Ano kaya yun? Lumapit pa kami ni Kuya na patuloy pa rin sa pagsasagwan.

Ay ano yun? Red carpet? Nagulat ako nang makakita ako ng aisle sa isang isle! Nang makarating na kami sa pangpang,I saw a grand piano and guess what. Nakaupo si Ken sa harap nito.

Bumaba na ako sa Bangka. Dahan-dahan para hindi mabasa at madumihan ang puti kong damit. Lumapit ako doon sa red carpet na may mga lanterns na nakasabit sa poste sa gilid nito. At sa end ng carpet na may mga lanterns ay si Ken na nginitian ako. . Ang gwapo niya ngayon! Naka white pants at white tux with red bow. Mas lalo pa siyang pumuti sa suot niya ngayon! Medyo nakahawi pa kanan yung buhok niya that matches his attire.

At nagsimula na siyang magplay ng piano.

PLAY THE MULTEMEDIA for better results!

Gosh! Ito pa naman yung paborito kasi romantic pakinggan. Naalala ko tuloy yung my sassy girl na movie.Naiyak din ako dun!

Pero teka lang, diba hindi naman marunong mag play ng kahit anong instrument si Ken? Baka tulad na naman ito nung kay Luhan? Pero ang mas importante, pinakikinggan kong nagpi-play ang importang tao sa buhay ko, mapa live man o recorded.

Hindi ko na nakayanan pang gumalaw dahil sa sobrang kaba at kilig na nararamdaman ko. Sarap talagang pakinggan!! Napapikit tuloy ako at tanging mabilis na pagtibok ng puso ko at yung piniplay na music ni Ken ang naririnig ko.

Sa kada pindot niya ng piano key, tumatagos sa kuluwa ko. Ito ba yung sinasabi nilang LOVE? Oh Em! Kinakabahan na ako sa kung anong mangyayari.

Hanggang sa natapos na siya. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nakita kong ngumiti siya sa akin at tumayo. Nagsimula na akong maglakad papalapit sa kanya.

Syempre, dahan-dahan para may effects. I thumb through my hair and place some of the strands in place behind my ear. Tapos pacute ng konti. Chin up, shoulders down, chest out and stomach in. At naglakad na parang beauty queen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lady with a BIG BAG 웃❤유Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon