Room 6007

2.5K 156 63
                                    

Room 6007.

"Bumili ka nga ng tubig sa baba." Utos ko sa ate ko.

Tumayo siya at tinapat sakin yung kamay niya, "pera pambili." Sabi niya.

Tumuro ako doon sa drawer, "kuha ka nalang sa iniwan ni mama na pera." Sabi ko sakanya "Ibalik mo yung sukli ha?" Pabiro kong sabi.

Hinampas niya ako ng mahina. "Oo na." Sabi niya saka ako lumakad papunta sa pintuan.

"Bakit mo sinasaktan ang isang pasyente? Di mo ba alam ba bawal yan?" Pabiro kong sabi sakanya.

"Wag kang lalabas ha! Baka kung gumala gala ka nanaman, kaka radiation therapy mo lang kaya magtigil ka jan ha."

Naghintay ako ng ilang segundo bago bumaba, medyo mahaba naman ang pila doon at medyo malayo din, kaya mamaya pa makakarating si ate. Ayaw kasi nila akong gumagala gala, dahil baka humina daw bigla yung resistensya ko. At bigla akong kulangin sa dugo, meron kasi akong Leukemia, medyo lumalala siya kaya naman naisipan nila akong ipachemo therapy ulit. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan para hindi magising si kuya na natutulog. Naglakad ako habang tinitingin sa labas ng bintana, pinagmamasdan yung malakas na buhos ng ulan. Pinasak ko yung dalawang headset ko sa magkabilang tenga ko at patuloy na naglakad hanggang sa tumapat ako sa isang kwarto at nakarinig ako ng isang malakas na pagbagsak at pagbasag ng parang plato o baso, basta isang babasagin na bagay. Napahinto ako kasabay yung ibang nurse na nasalikod ko, tinignan ko sila na nagbulungan. Dahan dahan kong tinanggal yung headset ko sa tenga ko.

"Magiisang taon na siya, wala paring pinagbago?"
"Wala nga eh, lalo lang lumalala."

Napahinto ako sa paglakad habang yung mga nurse patuloy sa paglakad.

"May pagasa pa kaya siya?" Tanong nung nurse sa kapwa niya nurse.
"Sana meron pa, kawawa naman eh."

Tumingin ako doon sa pahabang parang bintana sa may pintuan at may nakita akong lalakeng nakatalikod, mukang doctor, sa gilid niya ay may nurse na may hawak ng mga papel at sa isang gilid isa pang nurse na may hawak na tray na meron atang pagkaen. At nakita ko sa higaan yung tinutukoy siguro ng mga nurse kanina, isang lalake na nakasoot ng pangospital na damit, may nakapasok sa dalawang ilong niya, oxygen siguro, at meron pang isang tangke na hindi ko alam kung para saan. Pinasak ko na ulit yung headset sa dalawang tenga ko at naglakad na ulit.

"Room 6007." Bulong ko sa sarili ko.

Ilang araw na ang lumipas simula nung napadaan ako sa room 6007, napatingin ako sa bintana ng room namin at pinagmasdan ko ang nangingitim na langit kasabay ng pagbagsak ng malakas nanaman na ulan. Tumingin ako kay kuya na nanunuod.

"Kuya, di ka ba nagugutom?"

Tinignan niya ako ng ilang segundo saka ibinalik yung tingin nya doon sa pinapanood niya. "Hinde."

"Nagugutom ako, kuya gusto ko ng wanton sa chowking!" Sabi ko, na nagpapakyut pa ng boses.

Tinignan niya ako. "Gusto mo ba? Tsk, ganda ng pinapanood ko eh!"

"Please kuya, bilan mo ko!" Sabi ko with matching puppy eyes.

Tumayo na siya at nag unat unat. "Sige sige, saglit lang ako. Wag kang lalabas ha? Pag nagkaproblema tumawag ka sa nurse station." Sabi niya.

"Opo!" Sagot ko sakanya.

Salamat kay God, dahil binigyan niya ako ng mga madaling utuin na kapatid.

Habang binabalatan ko yung lollipop na baon baon ko, napatingin ako sa mga nurse na naguusap.

"Lumalala na daw kondisyon niya."
"Totoo?" Tanong nung nurse na isa, halatang gulat. "Ano nangyare?"
"Tinanggal na nang tuluyan yung vocal chords niya."

Room 6007Where stories live. Discover now