Sorry and I love you always

298 20 18
                                    

Short story? Hope you'll like it. :D

------------------------------------------------------

Masaya tayong nagkakasama sa araw-araw.

Nagbibiruan,

naglolokohan,

naghaharutan,

at

nag-aasaran.

Kapag nagkakasama-sama tayo pakiramdam ko wala na akong problema dahil alam kong nandyan lang kayo palagi sa tabi ko para tulungan ako sa lahat ng bagay. Minsan naisip ko sana ganito tayo palagi, masaya, pero hindi eh. Nag-aaway din tayo dahil sa hindi pagkakaintindihan.

Pilit ko kayong iniintindi pero minsan hindi ko talaga maintindihan kung bakit kelangan niyo pa akong pagsabihan.

Dahil sa inis ko nasagot ko kayo ng wala sa lugar. Hindi ko naisip na kaya niyo lang ginagawa yun ay para matutunan ko ang pagkakamali ko.

Masakit eh.

Kelangan ba talaga pagalitan pa ako, diba pwede niyo naman sabihin ng maayos at malinaw. Yan ang iniisip ko palagi.

Pero sa kabila ng lahat, sa mga kasalanang nagawa ko sa inyo kayo pa yung pilit na umiintindi, hindi ko lang napapansin.

Alam ko nahihirapan na kayo dahil pasaway ako sa inyo.

Alam ko minsan gusto niyo ng sumuko pero hindi niyo ginagawa dahil mahal niyo ko.

Alam ko na pinipilit niyong ibigay ang lahat ng gusto ko para maging masaya kami, pero kami pa tong nagtatampo paghindi niyo pa to nabibigay.

At alam ko din na nasasaktan na kayo kahit hindi niyo pinapakita sakin.

Hindi ko alam, ako pala ung mahina umintindi.

Nahihirapan na kayo pero minsan hindi ko kayo pinapansin.

Nagsisikap kayo magtrabaho upang mabigyan ako ng masarap na buhay, pero hindi ko naappreciate yun.

Sa huling pagtatalo natin dahil pinipilit ko kayong bilin ung gusto ko.

Nagtampo ako.

Umiyak.

Nagwala sa harap niyo.

Nagalit.

Kaya wala kayong nagawa kundi ibigay ang hinihiling ko.

Pumunta kayo sa mall para bilin yun kahit malakas ang ulan at madulas ang daan pinilit niyo pa din na pumunta dun para lang mabili ung gusto ko.

Hindi ko alam na un na pala ang huli nating paguusap.

Nagsisisi ako sa ginawa ko sa inyo.

Hindi manlang ako nakapagpasalamat sa lahat ng ginawa niyo sakin.

Hindi ko manlang napakita at nasabi na mahal ko kayo.

Nagsisisi na ako. Sana bumalik na kayo sakin. Pano nalang pagwala kayo sa tabi ko?

Anong mangyayari sakin.

Sana po napatawad niyo ako sa mga nagawa ko sa inyo.

Mahal ko po kayo.

----------------------------------------------------

thank you sa pagbabasa. Please vote and comment pagnagustuhan niyo. ^.^

Sorry and I love you alwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon