[One Shot] Sarap Umabsent Pag kasama si Crush

418 8 2
                                    

Ang story na ito ay based sa true story, pero syempre hindi sa akin. Na-kwento lang. XD Kinilig kasi ako ng sobra kaya ko sinulat ito. Sana mangyari din sakin 'to!

~~~~~

Hay, ang hirap talaga pag umabsent ka ng isang araw, kahit one day lang ang dami mo nang mami-miss. Lecture, homeworks, seatwroks, announcements at syempre mga chika ng friends mo diba. Tulad ngayon, lunch, nag uusap sila tungkol sa crush nila tas di ako updated. Huhuhu OP ako dito...

"Hoy, Elaine! Anyare sayo bat lukot yang mukha mo?" tanong ni Hannah, friend ko.

"OP kasi ako sa inyo eh, wala akong kaalam-alam sa sinasabi niyo." :(

"Asus! Nagdate nga kayo ng crush mo eh!" pang-aasar naman ni BangBang.

"Ano nanaman ang pinagsasabi mo mo Bang? Paano kami magde-date eh di naman umaabsent yun. Loko ka. Hahaha."

"Oo, kaya absent siya kahapon. Diba Kath?"

"Oo, absent yun." naniwala na ako kasi si Kath, nagsabi yan ang pinakamabait sa amin.

"Kfine, sabi niyo eh. Magshare naman kasi kayo ng pinaguusapan niyo."

"Uy Kath! diba may quiz tayo?"

"Oo, meron tayo sa Math, Filipino, at Science, short quiz lang naman daw yun." sagot ni Kath.

"W-O-W, nila-'lang' lang ni Kath yun kasi genius siya." sabi ni Hannah.

"Mga adik! Mga major subjects natin yun! Tapos sunod-sunod pa yung mga subjects na yun! Pakshet!" Bang

"Si Bang naman makapag-mura wagas. Tungkol saan ba yung quiz natin?"

"Ay oo pala! Absent ka pala kahapon, di ka pwedeng mag-quiz, ang swerte mo naman Elaine!" sabi ni Bang.

"Anong maswerte dun? Ano yun five subjects tambay lang ako dun sa waiting area? Psh! Boring nun!"

"Ah so gusto mo mag-quiz tapos pag bumagsak ka papagalitan ka ng Nanay mo..." sabi ni Kath.

"Tsk, oo na dun na lang ako tatambay. Mag-isa, kausap ang sarili, mag-iisip ng kung anu-ano."

"Nako, nag-drama pa ito!" sabi naman ni Hannah.

Ayun nag-chikahan lang kami hanggang sa mag-bell.

Pumila na kami papuntang room, pag pasok namin antay sandali ng teacher tapos ayun pinalabas na ako, tsk...

Ayun lumabas na ako, papunta na akong waiting area. Yung waiting area namin for absents or late people eh isang maliit na round table lang siya, 4 seater lang yun kasi konti lang naman nale-late sa school. Dun ka susunduin ng teacher or classmate mo para bumalik na sa room.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

What the!!!

Loading...

Loading...

Processing...

Complete!

Teka, totoo ba 'to?

*Kusot ng mga mata*

*blink blink*

OH-EM!!!!

Umabsent nga talaga ang crush ko! Ang masaya pa may kasama ako sa waiting area kaso si Gift yun dre! Si Gift? Yung crush ko? Spell kilig E-L-A-I-N-E, hahaha. Ang landi ko!

Kesa naman mag mukha akong tanga doon, umupo na ako. Sayang din yung oportunity noh, kaharap ko siya, isipin mo makakasama ko siya ng matagal, face to face pa, swerte ko! Same lang kasi schedule namin, in short, posibleng 3 straight subjects ko siyang makasama.  Pagkakataon ko na 'to. Magco-confess ba ako?

"Uhhh.."

TUmingin siya sakin poker face lang.

"Gift, may ipagtatapat ako sa'yo."

Nakatingin parin siya. Poker face parin, bihira kasi 'tong ngumiti kaya maswerte ka na pag nginitian ka niya.

"Matagal na kitang gusto, kahit nung first time mo palang dito sa school."

Nag-antay ako ng reply pero di na siya nakatingin sa akin, nakayuko na lang siya na parang natutulog.

Awkward!!! Ang tanga mo naman kasi ELAINE!!!!!! Dapat di mo na lang sinabi yun!!! Rejected tuloy ako.

Kumuha siya ng papel galing sa bulsa niya at nagsulat, di ko na tinignan kung ano sinusulat niya kasi nga awkward diba?

Pagkatapos niyang magsulat, yumuko na ulit siya, two hours na kaming walang tinginan sa isa't-isa ako pasilip-silip lang tapos siya nakayuko parin.

Tapos biglang dumating yung classmate niya. Meaning kailangan niya ng bumalik sa room. :(

Ang sakit palang mabasted... Huhuhu... Broken hearted ako!! </3

Tumayo na siya tapos naglakad siya papuntang room nila.

Napabuntong hininga naman ako. Tinignan ko yung table. Nakita ko dun yung papel kanina. hahabulin ko sana siya para ibalik yung papel kaso tinignan ko yung papel na nakatupi.

To: Elaine

Binuksan ko naman yung papel, nagulat ako sa nabasa ko.

Dear Elaine,

Gusto rin kita, pwede ba kitang ligawan?

-Gift

~~~~~

Hindi po yan ang totoo nilang pangalan inisip ko lang yan for privacy daw. Ang mga character na nasa story ko po ay masayang magsyota na ngayon. Sana po nagustuhan niyo kasi ako kinilig talaga ng sobra diyan. :">

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[One Shot] Sarap Umabsent Pag kasama si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon