SEMBREAK!

496 7 5
                                    

Buti nalang nahabol ko yung sapatos ni Cornelio nung birthday niya lastweek. Haiz. Akalain niyo, kung di niya talaga tinanggap yun, isusumpa ko talaga siya! Ang mahal ng sapatos niya ha?! Credit card ko pa ginamit ko nun. Leche. 

FLASHBACK 

Mag-aalas onse na ng matapos kaming maglaro ni Derek sa Time Zone. Hahahaha! Ang saya lang kasi palagi akong natatalo, eh may deal kaming kung matatalo ako, kikiss siya saken, pero kapag siya ang talo, kakagatin ko yung braso niya. Hahaha Tae. Ang landi namen. Sorry naman. Hahahah Eh, lagi akong talo, Uy, di ako nagpapatalo ano! Ang galing lang talaga niya. Dun ata pinalaki yun eh. 

Habang nasa kotse kami ay panay ang hampas ko sa braso ni Derek. Di niya pa rin ako pinapayagan na tumabi sa kanya sa front seat kasi daw, prone to accident pag sa harap. Gaaah. May pagka-weird din pala tong taong to ano? Well, noon pa naman yan weird eh. Hahaha Kung oras mo na, edi oras mo na! Gaaah. 

"Derek, bilisan mo na kasi!" - Anna 

"Kanina ka pa Via ah. Ang sakit na ng braso ko. Eh ikaw nga tong masyadong nag-enjoy kanina eh. Isa pa, I'll kiss you!" - Derek 

Ugh. Yan na namang mga tingin niya. Leche.Tumahimik ka na nga lang Anna! 

"K. Whatever!" - Anna 

Papunta na kami ngayon kina Cornelio para ibigay tong shoes niya. Di niya ako tinetext eh. Sina Justine at Kyle naman, jusko .. kinalimutan ata nilang magkakaibigan kami! Tsk. Dapat bago mag-12 makarating kami dun. Ugh. Well, OA lang talaga ako. 2 liko nalang andun na naman kami eh. Hahahaha 

Tsk. Papatayin talaga ako ni Cornelio. Shiz! Pero pag tong gift ko, binato lang niya, ihahampas ko talaga siya sa lupa! Hahahaha 

Pagdating namin sa labas ng bahay nina Cornelio ay bumaba na ako kaagad. Leche talaga pag di niya to binuksan. Kanina ko pa siya tinatawagan pero di niya sinasagot. Drama ng lalakeng to. Ay, bakla pala. LOL 

"Corneliooooooo!"-Anna 

Sumisigaw na ako sa labas ng bahay nina Cornelio. Leche, sa laki ng bahay nila paano ba aabot ang boses ko dun sa kwarto niya?! Wala naman kasing tao sa bahay nina Cornelio. Yung Papa niya eh weekends lang naman umuuwi. Yung Mama niya hiwalay naman sa Papa niya. Kaya confident akong magsisigaw ngayon! Hahaha 

"Hoy, Via! Tama na yan!" - Derek 

Nasa loob lang ng kotse si Derek. Ugh. Ayaw talaga ng lalakeng to yung naghihintay siya. Tsk. Bahala na! DI talaga ako titigil hangga't di lumalabas yung gagong yun. Tinatawagan ko ang telepono niya pero ring lang ng ring. Tsk. Cornelioooooo! 

"Corneliooooo Goooooo! Happy Birthday! Tangina mo! Drama moooo!" - Anna 

"Ano bang problema mo?!" 

Napatigil ako sa sumagot. Paglingon ko, GOTCHA! Hahaha Birthday Boy! Hahahaha Lumapit na ako kaagad sa kanya. 

"Happy Birthday Pards! Di ko nakalimutan yun ano, gusto lang talaga kitang i-surprise!" - Anna 

"Gusto mo maniwala ako sayo niyan? K. Accepted. 11:52." - Cornelio 

"Wow. Ang drama mo ha?! Sorry na Pards! Arte naman nito. Siyempre, gusto ko ako yung last na babati sayo para memorable!" - Anna 

Nakatingin lang saken si Cornelio. Si Derek naman, nakatingin ng .. "Hala ka, Via. Di ka patatawarin niyan." Ugh. Supportive boyfriend, please! 

"Hoy! Sorry na nga, okay? Oh, eto gift mo! Wag ka ng magalit kasi mahal naman yan eh!" - Anna 

Tinanggap yun ni Cornelio! Sus. If I know, excited siya kasi nakita niya na yung paper bag na may Bornrich. Told yeah! Hahahaha Nanlaki pa ang mga mata niya ng makita yun. Hahaha I know Cornelio's taste! 

Happily Ever After is so Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon