My Best of Friend

146 2 0
                                    

Falling in love with a friend is such a romantic way of having the best partner in life . . . but sometimes, friends are only meant to be friends.

He's my classmate since Elementary until Highschool. Sa tinagal-tagal naming pagiging magkaklase ni Blaise, naging close na rin kami sa isa't-isa. Hindi nga lang kami naging magbestfriend dahil may bestfriend na siya since Elementary, si Vinz.

Naging kaklase ko rin si Vinz since Elementary, but nang tumapak na ako sa 4th year Highschool hindi na kami naging magkaklase dahil lumipat siya sa ibang school.   Nagdulot ng malaking pagbabago sa relasyon namin ni Blaise ang paglipat sa ibang school ni Vinz. Simula nang mawala siya, ako na ang nagsilbing bestfriend ni Blaise. Ako ang parati niyang kasama sa tuwing may vacant time kami, at kagaya ko, siya rin ang naging karamay ko sa tuwing may problema. Handa naming ipahiram ang aming balikat sa isa't-isa sa tuwing may iyakan.

Hanggang isang araw, I realized that I was deeply fallen in love with Blaise. Pilit kong iminulat ang aking mga mata para masabi kong ako'y nanaginip lamang, but I failed. I am truly madly deeply in love with my friend, my close friend or shall I say MY BEST OF FRIEND.

Itinago ko kay Blaise ang nararamdaman ko para sa kanya nang sa ganon ay hindi masira ang aming pagkakaibigan. But ika nga, "Action speaks louder than voice". Ito ang napansin ng mga kaklase namin. Kaya simula nang mapansin nila iyon, tinutukso na nila kami sa isa't-isa.

"Oi...Blaise...oi...Terry...bagay sila...", ang paulit-ulit na sigawan ng mga kaklase namin na napakagandang pakinggan. Para akong lumulutang sa ulap dahil sa kaligayahan na nadarama ko sa tuwing naririnig ang mga nagtutuksoang boses ng mga kaklase ko.

 (Date updated: 06/06/14)

But all these teasings ended nang bumalik ang dating bestfriend o ang tunay na bestfriend ni Blaise, si Vinz. Bumalik ang dati nilang pagsasama, pati ang pagiging mag-bestfriend nila. Close pa rin naman kami ni Blaise but ramdam ko ang kaibahan ng pagiging close friend kaysa sa pagiging bestfriend.

Kapag close friend, ok lang kahit wala ka sa tabi niya dahil kailangan ka lang kapag andyan ka, pero kapag sinabing bestfriend kailangang parati kang andyan dahil always kang kailangan para mabuo ang araw niya.

Sa isang iglap nawala ang pagiging mag-bestfriend namin, pero ang feelings ko para sa kanya ay nakaukit sa bato na hindi nabura.

One day, I was looking at the ceiling of my room habang nakahiga sa malambot na kulay berde kong kama, when a text message was received by my phone.

"Sorry, nasaktan kita."

I was curious sa text message na nabasa ko. Bakit siya humihingi ng sorry? Sino siya?

Sa rami ng tanong na tinext ko sa kanya ni isa ay wala akong natanggap na reply. Minabuti ko na sanang tawagan siya nang sa ganon ay wala na siyang kawala pa pero nabigo na naman ako. Hindi ko na siya ma-contact.

Nanatiling nakabitin sa ere ang katotohanang nakapaloob sa text message na iyon.

Lumipas ang mga araw at buwan, dumating na ang panahon nang pagpapaalam. Bilang isang matalinong estudyante ako'y may natamong parangal, same with Blaise na isa ring matalino.

Natapos ang pagdiriwang ng aming Graduation na hindi man lang nasabi ang Special feelings ko para kay Blaise.

Life in College? Oh! Isang panibagong buhay na naman na dapat kong tahakin. Kinuha ko ang kursong Accountancy kung saan dito ako eksperto--dealing with Math.

Nakakapanibago ang paligid. Wala kang makakausap dahil wala kang kakilala.

Until one day, may lumapit sa akin na pamilyar na pamilyar ang mukha--si Vinz, na naging karibal ko sa pagiging Bestfriend ni Blaise.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best of FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon