12th Chapter

148 4 2
                                    

Paeng De Chavez

"Oyy Panget! Kumuha ka ng dahon ng bayabas!"

Sino pa ba ang uutos niyan sa isang magandang katulad ko? Ang walang hiyang si James Reid. Pagkatapos niyang natuli, dito muna kami sa bahay ng Lola ko tumira pansamantala at aalis din kami pag gumaling na ang ano niya.

"Bahala ka! Ikaw kumuha ng dahon ng bayabas!" Sigaw ko pabalik.

Alam na nga niyang nagc-cr ako eh tapos ako pa ang tatawagin.

"Eh wala nga si Lola eh! Pag hindi ka lumabas diyan ipapakita ko tong ano ko! Sige ka!" 

"AHAHAHAHAHA. Sigurado ka ba diyan?! Edi ipakita  mo! Nasa loob naman ako ng CR eh!"

"Tss. Sige na panget! Kuhaan mo na ako! Pleaseeeee!"

"Ayoko ko nga."

"Please?"

"A-YO-KO!"

"Please Nadine?"

Kinilig naman daw ang Lola niyo. Tinawag niya ako sa pangalan ko. Hahahaha

"Sige na sige na! Sandali lang." 

"Yehet!" 

Nung natapos na akong jumebs, kumuha na ako ng dahon ng bayabas sa kakahuyan para sa nilalang na kaylaki-laki na eh ngayon pa lang natuli.

Lumabas ako sa bahay at naghanap ng puno ng bayabas. Sakto namang pagtingin ko sa may di kalayuan ay may nakita na ako.

Naglakad ako doon habang ini-imagine na magkayakap kami ni James tapos inaamoy-amoy niya ang buhok ko. Sa utak ko palang, kinikilig na ako. Paano nalang kaya kung magkatotoo ang daydreams ko?

"AY GAG*!" Sigaw ko.

What the hell. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa ako natalisod at sa may putikan pa?!

Pinasadahan ko ng tingin ang buo kong katawan. Putik lang ang tanging nakikita ko.

"Help! Help! Somebody help me!" Sigaw ko.

Sinubukan kong tumayo pero may biglang kumirot sa tagiliran ko. Nayari na.

Kailangan pa naman ni James ng dahon ng bayabas pero kailangan ko din naman ng tulong ngayon.

"Miss? Miss? Naku!" May lalakeng tumakbo papunta sa akin.

Naka-sando, faded jeans, malapit nang mapudpod na tsinelas at sombrero. Halatang taong bukid pero gwapo naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Chase and Heartbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon