Chapter 1:Who U:

69 2 4
                                    

Tada!(sound yan na may nagtxt sa cellphone ko) 

“HI”

From:09192******

Hi ka rin,Who U?-ako

“pwedeng makipagfriends?”- sya

Sino ka nga?baka mamaya eh multo ka pa.

“hindi ah! just call me Jerson”-sya

Ahh,ok sure..where did you get my no.?

“from your old classmate si Welma?kilala mo pa?

Ay Oh-O …

Ako si Rheanne, 3rd year high school at 16 yrs.old na. Yung sinabi ng ‘textmate’ ko na si Welma ay isa sa mga mabait at close friends ko nong elementarya. Hindi naman kami bestfriends dahil sa totoo lng wala ako non. -_-

Dahil hindi pareho ang  school na pinapasukan namin tanging communication lang namin ay text. eh wala ba namang facebook ang gaga, hindi daw sya marunong non.

Sinabi nya saakin na binigay nya yung # ko sa Jerson na yon kasi naghahanap daw sya ng katxtmate tapos ako lang ang naisipan. =_=

Mula nong nagtext saakin si Jerson naging textmate na nga talaga kami. Kung ano2x na lang ang pinag-uusapan namin. Masaya siyang kausap, sweet nga minsan at marunong sumakay sa kalokohang pinagsasabi ko, at yung nagustohan ko sa kanya ay hindi nauubusan ng topic in short hindi boring katext. Kinikilig nga ako minsan kahit hindi naman dapat. Paralang akong engot eh kinikilig ng wala sa oras lintik!

* "sometimes i think twice,

b4 i txt u bka kc bz ka,bad trip, wla sa mood

o kya namn wlang blak mgreply pro ayus lang un

at least dba i stil care for u.."

sender: Jerson

 Hindi nagtagal nahulog ang loob ko sa kanya. At sya ang dahilan kung bakit ako laging may load na unlimited. :-D hinihintay ko lagi text nya, nagrereply ako agad once na magtext cya saakin, minsan din inaabot na ako ng hating gabi katetext sa taong yun. Ewan ko ba kung bakit gusto ko siya ang lage kong katext.

* "pnili kng ikaw aking mhalin.

khit d kita mkkita at mkkpiling

npakahirap at nag titiis prin

mlayo kman sa akin at ptuloy prin kta iibgin.."

sender: Jerson

Dumating ang araw niligawan  ako ni Jerson sa text.  Dahil sa text lang yung pangliligaw nya, alam kong hindi naman yun serioso kaya hindi ako pumayag. Hindi ako pumayag dahil hindi ako sanay sa ganyan. Wala pa ako naging boyfriend ,.actually NBSB( no boyfriend since birth) ako. Kaya gusto nalng nyang makipag eyebol. . Hindi rin ako pumayag sa pakikipag-eyebol baka ene-expect nyang kaganda-ganda ko eh hindi naman ako kagandahan..maganda pa nga kayo saakin kung tutu-usin eeh!,.hekhek.

Hindi ko rin sinasabing pangit ako,.ahmm katamtaman lang. yung tipong hindi masyadong napapansin agad2x pero may nakakapansin naman kahit papaano.

Sa totoo lang gusto ko talaga syang makita. Pero hindi ko magawa, ibang tao ang nasa isip ko kaya nagdadalawang isip ako noong una..iniisip ko baka sa susunod pwede na.

Isang gabi nagtext saakin si Welma na ikinagulo ng mundo ko. Humihingi sya ng tulong pra magkabalikan silang dalawa ni Jerson. Mahal pa daw nya yung tao kahit may boyfriend na siya na textmate ko din pero boring naman katext kaya wala akung pakialam. Si Romel daw boyfriend nya na kaibigan ni Jerson.

 Kung kailan naman naging close kami ni Jerson tska rin siya gustong makipagbalikan?

(Side note: Si Welma, Jerson at Romel ay nasa iisang eskwelahan kaya sila magkakilala at magkaibigan.)

______________

my textmate foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon