Run

13 0 0
                                    

Prologue:

     Hingal na hingal siyang tumigil at nagtago sa isang malaking puno na nakita niya. Pumikit siya ng mariin. Pag-asa na lamang ang kaniyang pinagkukunan ng lakas ng loob. Sa oras na muli siya nitong makuha, maghihirap na naman siya sa loob ng maraming taon. "Alam kong nandyan ka babae! Magpakita ka! Isa kang hangal! Kung sa tingin mo ay makakatakas ka pa mula sa mga kasalanan na nagawa mo ng ikaw ay nasa sanlibutan pa, nagkakamali ka! Ito'y isang parusa galing sa Kaniya kaya't matuto kang magtiis dahil lahat tayo ay maghihirap!" napabuntong-hininga siya at hindi inalintana ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib. Hindi kaila sa kaniya na takot siya. Takot na takot siya rito.

     Nag-dasal na lamang siya na sana ay maligtas siya ngunit naalala niya ang isang bagay. Paano siya maliligtas kung gayong nasa impyerno siya! Ang lugar kung saan ang lahat ng mga taong nakagawa ng mga kung anong kasalanan noong sila ay nabubuhay pa sa mundong ibabaw ay itinatapon dito?! Napapikit siya ng mariin at nag-isip-isip. Pinagdugtong-dugtong ang lahat ng mga bagay na nangyari sa buhay niya at kung bakit siya naparito. Pero ni isang katiting na pahiwatig kung bakit siya nandito ay wala siyang maalala. Unti-unting gumapang ang galit sa puso niya. 

     "Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Naging mabait ako sa magulang ko! Lagi akong dumadalo sa mga gawain sa simbahan! Hindi ako nagmumura! Kahit nasasaktan ako dahil sa kung ano-anong bagay na ginagawa sa akin ng mga bully kong classmate ay ipinagsawalang-bahala ko ito at inaalis ko ang kung ano mang negatibong bagay ang nakatanim sa puso ko! Bakit?! Bakit ako nandito?! Bakit ako nasa impyerno?!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RunWhere stories live. Discover now