Deja Vu for Eternity

497 36 31
                                    

"Hanggang sa library ba naman may PDA. Ang lalandi rin ng mga tao ngayon." saad ko dahil nakakita ako ng dalawang taong nagtutukaan sa may Fiction section ng library. Kadiri sila. Tapos pagpunta ko sa table sa may bandang gitna ng library, may naglalandian naman sa table sa tapat ko. Aba matinde.

Madali akong maalibadbaran sa mga bagay na 'yan. Landian na sinasabi nilang pagmamahalan. Harutan na sinasabi nilang pag-iibigan. PDA na sinasabi nilang way of affection lang ng tao. Iba na talaga ang mga tao ngayon, ikamamatay nila kapag wala silang nilalandi.

Hindi ko alam kung bakit ko pinapansin 'yang mga bagay na 'yan. Eh pasensya naman, kapansin-pansin kasi siya. Outstanding kaya ang dalawang taong naglalandian sa harapan mo. 

Inialis ko na lang 'yung tingin ko sa kanila. Binuksan ko 'yung librong kinuha ko sa mga bookshelf doon. Kinuha ko 'yung headset ko roon sa bag ko at nagpatugtog na lang ng musika mula sa cellphone ko. 

Habang nagcoconcentrate ako sa ginagawa ko ay nakarinig ako ng pagbaba ng libro sa mesang inuupuan ko. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagbabasa. Habang nagbabasa ako ay nakakarinig ako ng pagtatap ng fingers sa table. Hindi ako nakapagconcentrate, pinipilit kong hindi pansinin kung sino ka mang Poncio Pilato kang nanggugulo sa concentration ko.

Pero kahit anong pagpipigil ko ay umabot rin ako sa boiling point ko. Hindi na ako nakapagtimpi sa'yo kaya binaba ko 'yung libro ko at  hinarap kita. Nakita kong nagbabasa ka ng libro habang tinataptap 'yung kamay niya sa table with matching tango tango pa ng ulo. Nakikinig ka rin kasi ng music. 

"Do you mind?" pagpaparinig ko sa'yo ng mahina. Ayoko naman kasing gumawa ng eksena kasi library ito at bawal ang maingay. Ayoko rin maging outstanding masyado. As much as possible, ayokong nakikipagkilala sa mga tao.

Tinignan mo lang ako at nginitian. Tinaasan kita ng kilay para maramdaman mong naiirita ako sa'yo. Napansin kong sinara mo 'yung librong binabasa mo at hinarap ako, "Hi." bigla mo akong binati, "Pwede bang magdate tayo minsan?"

Lalo akong naalibadbaran sa tanong mo. "Kung lalandi ka, pwede bang iba na lang landiin mo please. Wala akong time. Tsaka bakit dito ka pa naupo? Hindi mo nakikitang busy ako? At wala akong time makipaglandian sa'yo. Alis." asar na sabi ko sa'yo. Paano ba naman kasi, lakas din ng apog mo at nag-aya ka agad makipagdate sa'ken. Close ba tayo?

Ngumiti ka lang, "Ang sunget mo naman." saad mo tapos tinignan mo ako sa mga mata. "Tsaka bakit masyado kang galit sa mundo? Nag-aaya lang naman ako ng date ah. Hindi naman paglalandi 'yun. Gusto lang talaga kitang makilala." ngumiti ka ulit matapos mong sabihin 'yun. Ako naman, medyo nawalan ng imik nung sinabi mo 'yon. 

"Wala akong time." sagot ko sa'yo.

"May next time naman." sagot mo.

"Hanggang nabubuhay ako wala akong time."

"Magkakaroon ka rin. Maghihintay ako." 

Tinignan kita ulit at nakita kong nakangiti ka na naman sa'ken. Naiirita ako sa'yo. Ang landi mo eh.

"Bakit ang landi mo?" diretsahang tanong ko sa'yo. Paano ba naman kasi, hindi nga tayo magkakilalang dalawa tapos mag-aaya ka agad ng date.

"Bakit ang bitter mo?" bawi mo naman sa'ken. "May pinagdadaanan ka ba? Ano bang meron sa pag-aaya kong makipagdate sa'yo?"

"Hindi ako bitter." sagot ko sa'yo. "Hindi naman tayo close pero mag-aaya ka agad ng date. Anong tawag dun? 'Di ba kalandian?"

Napatingin ka sa'ken ng seryoso, "Galit ka ba sa mundo? Hindi naman kalandian ang pag-aaya ng date sa isang tao. Gusto lang kitang makilala. Gusto kitang maging kaibigan. Tsaka, bakit galit na galit ka sa mga taong nagmamahalan lang?"

Deja Vu for EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon