Prologue

26.7K 303 25
                                    

Like always, mag-isa akong naglalaro ng doll ko at malayo sa iba pang mga bata. Hindi ako mahilig makipag-friends sa iba when I was little. Kaya nga ngayong pagtanda ko ay sobrang bait ko para lang magkaroon ako ng maraming, maraming friends!

Anyways, I was minding my own business when this new kid walked in front of me. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago umupo sa tabi ko. Agad akong lumayo sa kan'ya. Who is he anyway? Bakit niya ba ako nilalapitan?

"Excuse me, masyado kang malapit sa akin. Please stop invading my personal space," umiirap na sabi ko. Sanay na akong mag-english since tinuturuan ako ni Kuya Alex, siya 'yung kumupkop sa akin for 2 months. Para bang sinubukan lang nila kung kaya nilang magpalaki ng isang anak kaya ako napunta sa kanila.

"Ano? Ano bang pinagsasabi mo d'yan? 'Di kita maintindihan!" reklamo niya. Binelatan ko na lang siya at bumalik sa paglalaro.

"Ako nga pala si Lucas. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya. 'Di ko siya pinansin at mas lalong lumayo sa kan'ya. He is so FC! Ayoko sa mga tulad niya! And he thinks he's gwapo? Halata naman kasing nagpapa-impress sa akin. Sorry not sorry, pero I'm taken na. By Charles Aldridge. 'Yung pinsan ni Kuya Key.

"You don't care," mataray na sabi ko at inirapan siya. Napatawa naman siya kaya agad akong bumaling sa kan'ya. Why is he laughing? Is he laughing at me?

"Bakit ka tumatawa?" inis na tanong ko at tinigil na muna ang paglalaro sa mga dolls ko. Napatigil siya sa pagtawa hanggang sa pokerface na siya at nagkibit-balikat.

"Ewan ko. 'Di kasi kita maintindihan. Kaya tumawa na lang ako," pabalang na sabi niya. Inirapan ko ulit siya at umiling-iling. Pathetic. Walang alam sa English ang batang 'to.

Well, 'di naman sa nagmamayabang pero I'm one of those kids na mataas ang IQ level. Matalino ako, sobra pa nga eh lalo na sa age kong ito. So, I consider those na mas mababa sa'kin na walang alam.

"Tss! Go away ang leave me alone! In tagalog, umalis ka na at 'wag na 'wag mo na akong kakausapin!" sigaw ko bago tumayo at iniwanan siya doon. Nakakainis siya. 'Di ko alam kung anong kinakainis ko, pero naiinis ako sa kan'ya!

Next day, ayon na naman at sinusubukan niyang makipag-close sa akin.

"Lucas, pwede ba, tigilan mo na ako? I told you, ayokong makipagkaibigan sa'yo!" sabi ko. Nakita ko siyang ngumuso at nagpapacute sa akin kaya napairap na lamang ako. Ano bang kailangan ng lalaking 'to sa akin?

"Bakit? Mabait naman ako. Tsaka, gusto lang naman kitang maging kaibigan ah? Masama ba 'yon? Napansin ko kasing wala kang kalaro dito kaya nag-volunteer na lang ako. Bakit mo ba ako pinapalayo?"

Dahil malungkot ang pagkakasabi niya no'n, agad akong nakaramdam ng guilt. Ganitong-ganito kasi si Charles sa akin. Makikipagkaibigan lang ako, pero lagi niya akong tinataboy palayo. Ibig sabihin, nararamdaman ni Lucas ang nararamdaman ko t'wing pinapalayo ako ni Charles sa kan'ya. Ang saklap pala. Agad kong narealize 'yung mali ko.

"Tss! Sige na nga, friends na tayo!" sabi ko.

Agad nabura ang nakasimangot niyang mukha at ngumiti siya ng malawak. "Talaga? Anong pangalan mo?"

"Kiss," simpleng sagot ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil nanlaki ang mata niya.

"H-ha?"

"Sabi ko, pangalan ko ay Kiss!"

Doon niya na-gets at bigla siyang natawa. "Akala ko, gusto mo ng kiss eh."

Napairap ako ng wala sa oras. "Ang kapal mo naman! Bakit ako mangihihingi ng kiss sa'yo? And friends don't kiss each other," mataray na sabi ko.

Chasing HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon