Jeepney Love Story (Short Story 2nd Book)

675 26 6
                                    

ONESHOT

Kahit isang sandali lang yun, mahalaga pa rin sakin yung moment namin na yun kasi pinatibok na naman niya ng mabilis yung puso ko. Siyang dating crush ko lang at ngayon... Mahal ko na.

 ♫  Sumakay ako sa jeepney  ♫

Paunta akong Quiapo dun kami magkikita kita ng mga kaklase ko. Pagsakay ko yan na kagad ang tugtog, haha sakto pa talaga sa pagsakay ko. Tumabi ako sa lalaking nakahood at naka headphones, maulan kasi kaya siguro siya nakahood. Medyo maluwag pa yung jeep kaya malayo din ako dun sa lalaki ng konti. Malay ba natin kung magnanakaw pala yan o holdapper diba?

♫  Ikaw ang nakatabi  ♫

Napatingin uli ako sa lalaking nakahood. Nahagilap lang kasi siya ng mata ko kanina kaya di ko masyadong nakita yung muka niya. At tengene! Nanadya ba yung kanta?!

Siya yung katabi ko!

Si John! This might be my lucky day! Umurong ako ng medyo malapit sa kanya baka kasi namamalikmata na naman ako o nagiilusyon.

♫  Di makapaniwala  ♫

Waaahhh! Siya nga! Destiny ba toh?!!!! Ok! Lia, calm down! 2 months na rin simula nung clinic scene namin at simula nun di na kami nagusap. Sayang nga eh, akala ko dun maguumpisa ang aming blooming relationship, pero maling akala lang pala yun.

Nakatingin lang siya dun sa may entrance nung jeep. Malapit kami sa entrance eh, kita ko yung muka niya pero side view lang. Nakilala ko siya kasi lahat ng anggulo ng muka niya kilala ko na! Normal lang yun kasi crush ko siya dati eh, at mahal ko na ngayon ^______^. Di niya siguro ako makilala kasi nakaglasses akko at nagpabraces na ko ngayon eh tas medyo pinaiklian ko ng shoulder length yung buhok ko kaya di ako magtataka kung di niya ko mapansin.

Ok lang, makatabi ko lang siya! 

♫  Parang may hiwagang nadama

Nang tumama sa'yo

Ang aking mga mata ♫

Nagliliwanag na naman si hearty habang tumatalon talon sa tuwa't kilig! Tumingin siya sa side ko not likely to me pero atleast tumingin siya sa side ko! Waaaaahhhhhh! Bat ba kasi ang gwapo gwapo niya?! Tas ang soft soft tignan ng mga mata niya?!

Kelan niya kaya ako mapapansin? Kahit kaibigan lang. Hayyy.

♫  At nagsiksikan na 

Dahil tumigil ang jeepney

Sa tapat ng eskuwela ♫

Waaaahhh! Konting konti na lang magdidikit na yung balat namin dalawa! WHOOOOOO! Ako na ang pinaka masayang tao sa buong mundo!!... ngayon...

Napuno ng elementary students yung jeep tas nasiksik kami ni John dun sa gilid. Bakit ang bango niya?! Teka, teka. Baka mahalata ako dito. Medyo nakapatong na yung ulo ko sa kanya kasi may isang bata na mukang grade 1 ang parang inaantok kaya nakapatong sakin yung ulo niya. Eh sa masikip kayo lalo kaming nagsiksikan dito sa dulo. 

Jeepney Love Story (Short Story 2nd Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon