"MGA KABABALAGHAN SA BAYAN NG LOS BAÑOS"

977 4 2
                                    

Sa bawat lugar na ating tinitirhan ay may tinatagong misteryo mga kwento na napagsalin-salin sa bibig ng bawat tao dito sa isang maliit na bayan sa laguna na tinitirhan ko may mga kwento ng kababalaghan kwentong mahirap paniwalaan.. 

Story Part 1

"Central School"

Ang mga kwentong ito ay di ko inimbento ikiniwento lang sa akin ang istoryang ito..

*Simulan natin sa isang eskwelahan ang paaralang Central.. maraming nagsasabi na may mga multo daw sa eskwelahan na ito Paano ? nagkaroon daw dati ng sunog sa dating Canteen ng eskwelahang ito dahil sa sumabog na tangke ng gasolina na ikinasawi kapwa ng mga estudyante at guro mula noon daw ng mangyari ang aksidenteng ito may mga diumanong nagpaparamdam sa lugar na pinagyarihan ng aksidenteng ito ang dating canteen..

Magsisimula ang istorya ng ipinarenovate ang eskwelahan kwento ito ng mga Construction Worker . sa simula nakagawian na nila na magpalipas ng gabi sa eskwelahan doon na sila natutulog ika nga para makatipid sa pamasahe at mas malaki ang maiuwing pera sa kanilang pamilya nagyari ito isang gabi masayang nagkwekwentuhan ang mga magkakatrabaho habang hinihintay na maluto ang kanilang pagkain sa gabing iyon ng mapag-usapan nila ang tungkol sa nagyaring aksidente at sa diumanoy mga nagpaparamdam daw  may isang nagsabi "di ako naniniwala sa kwentong yan may mga batang sunog na nagpapakita kalokohan yan" at nagtawanan sila habang nagkwekwentuhan nagpaalam ang isa para umihi saglit umihi sya malapit sa dating Canteen dito na nangyari ang aking kwento 

habang umiihi sya may bumato sa kanya sa simula di nya ito pinansin sa pag-aakalang niloloko lang siya ng kanyang mga kasmahan pero naulit pa ito at kasabay nito may narinig syang isang hagikhik na parang nanggaling sa mga bata.. sa pag-aakalang mga bata nga ito na naglalaro lng sa lugar nayon sinaway nya sila at sinabing umuwi na sapgkat gabi na pero narinig nya ulit ang hagikhikan at ng sandaling humarap sya  di nya na nagawang isara pa ang zipper ng kanyang pantalon napatakbo sya sa kanyang nakita mga batang sunog sunog na sunog at nagtatawanan habang nanglilisik ang matang nakatitig sa kanya tumakbo sya at sinabi nya ito sa kasamahan nya sa simula ay di sya nila pinaniwalaan pero bigla bigla pinagbabato ulit sila nanggaling ang pambabato sa lugar kung saan nakita ng lalaki ang mga sunog na bata kaya lumimgon nadin sila at di sila makapaniwala sa nakita nila nga sunog na bata sa sindak at takot nadama nila nagtakbuhan sila palabas ng eskwelahan iniwan ang pagkain na kanilang niluluto at mula noon hanggang sa matapos ang kanilang ginagawa di na ulit sila nagpalipas ng gabi sa eskwelahang iyon.

ang kwento ito ay ikiniwento sakin ng kapatid ko na nag-aaral sa eskwelahang iyon ngayon sa sasainyo na kung maniniwala kayo dito o hindi.. 

Story Part 2
   "Ang Babae sa Kastilang Mansyon"

Ang kwentong ito ay Hango mismo sa tunay kong karanasan kung kaya't nasasainyo na kung inyong paniniwalaan. Siguro nga kung mababasa ito ng mga kapwa ko taga bayan ng Los Baños sasang-ayunan nila ko at baka sabihin na nangyari na din ito sa kanila.

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang dating lumang bahay na nakatirik sa gilid mismo ng Laguna National Road ( hindi mo na ito makikita ngayon dahil giniba na ito at tinayuan ng isang Bar Ang " Timog Greens Grill Bar". Isa itong malaking bahay dalawang palapag siguro o tatlo,
ang disenyo nito ay hango sa kulturang kastila kaya hindi kataka-takang sobrang luma na nito. Bukod sa wala ng nakatira sira-sira na ito yun tipong bagyuhin lang ng todo magcocollapse na.

Taong 2010 ng mangyari ang kwentong ito kagra'graduate ko lang ng High school noon, gusto kong makahanap ng trabaho kahit 16 na taong gulang palang ako noon sa kagustuhang makatulong kina mama at papa at para nadin hindi ako mabagot tutal hindi naman din ako makakapasok sa College sa darating na pasukan kung kaya nag-apply ako nga lang dahil sa high school grad lang ako noon natanggap ako sa isang KTV bar sa may bayan ( Generic's Pharmacy na ang nakatirik doon ngayon ) bilang Boy.

Alas dose ng tanghali hanggang alas dos ng madaling araw ang duty ko doon. Araw araw yon nakakapagod pero enjoy naman.
Kahit madilim at madaling araw naglalakad lang ako ng mag-isa kapag umuuwi kung kaya nadadaanan ko yung lumang bahay hindi naman natatakot sumisilip pa nga ako doon ang cool kasi para sa akin iniimagine ko noong mga panahong may nakatira pa doon at puno pa ng buhay. Iyon ang akala ko meron padin palang nakatira doon nga lang. ...

Noong unang mga araw wala naman ako nakikitang kakaiba sa mansyon ganon padin madilim luma sira-sira.

Pero iba ang nakita ko noong umuwi ako madaling araw ng huwebes. Seryoso akong naglalakad pauwi ng bahay at kagaya ng nakagawian ko sumilip ako sa kastilang mansyon pero labis akong nagtaka sa nakita ko nahiwagaan at napakunot noo.
Sa ikalawang palapag ng lumang mansyon ay may ilaw alam kong ilaw ito galing sa isang lampara dahil alam ko ang ilaw na nanggagaling sa bumbilya at flourescent lamp.
May ilaw sa ikalawang palapag at pasilip ko sa bintana nakakita ako ng isang babae nakasuot ng lumang disenyo ng damit ng babae na sigurado akong panahon ng kastila nauso.
nagpapaypay ng abaniko pero hindi ko maaninag ang mukha nya nagpapaypay siya na animoy may hinihintay sapagkat nakadungaw siya sa bintana nakakakilabot dahil alam kong sa akin siya nakasulyap para bang ako talaga ang inaabangan niya.

Sa pagtataka ko at sa takot inalisan ko ng tingin ang babae at ang bahay at diretsong naglakad pauwi sa amin di na ako lumingon pang ulit hanggang sa marating ko ang aming bahay. Hindi ko alam kung kaduwagan ba ang ginawa ko pero tingin ko normal lang iyon at kahit sino iyon din ang gagawin at isa pa hindi naman ako tumakbo o kumaripas ng lakad kaya kahit papaano matapang ako. Noong gabing iyon hindi ako nakatulog ng maayos  at mula noon sa tuwing uuwi ako sa ibang daanan na ako dumaan kahit malayo.

Hanggang ngayon nagiisip padin ako kung multo nga ba iyon Engkanto o mga nakatira lang doon at naisipan aking pagtripan. Hindi ko na pinagaksayahan pa ng panahon na alamin kung ano nga ba ang nakita ko.




Hi Guys it's me Kurdapyo :) nagustuhan niyo ba ang kuwento ko ? Nabitin ba kayo actually madami pa akong alam kung gusto niyo pang ipagpatuloy ko at inyong nagustuhan or any suggestion wag naman sana violent reactions :) hehe pls. Leave a comment below. Thanks!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Mga kababalaghan sa bayan ng los banos"Where stories live. Discover now